Advertisers

Advertisers

Andi rumesbak sa netizen na naumay sa vlog ads

0 312

Advertisers

ISANG netizen ang dismayado sa vlog ni Andi Eigenmann.

Komento nito, nakakaumay na raw ito dahil sa dami ng ads.

Ayon pa sa netizen, mas interesado raw ang mga tao sa mga ganap ng aktres kesa sa sanrekwang ads sa kanyang vlog.



“Please limit ads. Nakakaumay eh. What we want are your family’s activities,” sey ng netizen.

Rumesbak naman agad si Andi sa netizen at sinabing hindi niya pinipilit ang sinuman na i-follow siya kung hindi nito type ang kanyang vlog.

“If it doesn’t please you to see me mentioning these local brands that I would like to support and help out, specially in these trying times, because I believe in their products, then please feel free to unfollow,” aniya.

Si Andi ay muling naging kontrobersyal kamakailan dahil sa pagsagot niya sa isang netizen na nagsabing hindi pa ito nagso-sorry sa ex na si Albie Casino na umano’y nasira ang buhay at karera dahil sa pagsisinungaling niya nang ituro niya itong ama ng kanyang anak na si Ellie na nang lumaon ay inamin ni Jake Ejercito.

***



Korina muntik nang pakawalan si Mar

Sa interbyu ni Toni Gonzaga sa online show na “I Feel U,” natanong niya ang tungkol sa lovelife ng batikang broadcaster na si Korina Sanchez.

Ani  Korina, bago pa raw dumating sa kanyang buhay ang dating senador na si Mar Roxas, muntik na raw siyang ikasal sa iba.

Pero sa kung anumang kadahilanan, hindi raw ito natuloy dahil napagtanto niya na hindi sila “compatible.”

“I actually had my wedding gown already started,” aniya.

Aniya, irreconcilable differences daw ang dahilan kaya sila naghiwalay ng landas ng lalakeng hindi niya nakatuluyan na hindi niya binanggit ang pangalan.

“We were always fighting and I was doubting and I said, ‘Wow this is a very important decision. I have to be super duper sure,” hirit niya.

Si Korina ay masaya na sa piling ni Mar na may kambal silang anak na sina Pepe at Pilar. (Archie Liao)