Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAKAUWI na ng Pinas si Bela Padilla kasama ang bf na si Norman Bay. Halos kalahating taon din nawala sa bansa si Bela dahil sa pandemya.
Itinanggi naman nito na hindi raw siya katulad ng kanyang karakter sa kanyang obra.
Siya kasi ang nagdirek at nagsulat para sa bago niyang film.
Role niya rito na matagal maka-move on sa karelasyon.
Hindi naman daw siya ganun sa kanyang two past relationships sa naging bf. Ang ex bf ni Bela ay sina Jason Abalos at Neil Arce na asawa na ngayon ni Angel Locsin.
Pagpapatunay nito ay mabilis daw siya naka-move on sa dalawang dating karelasyon.
Katunayan nga raw na minsan ay umaatake sa kanya ang pagka-bobo kapag wasak ang kanyang puso.
***
LAST April 10 pa nang makaboto si Pia Wurtzbach sa Abu Dhabi kung saan ito nakabase ngayon.
Ibinahagi nito ang kanyang first time na pagboto. Magkahalo nga raw saya at excitement at finally ay na-express na nito sa pamamagitan ng pagboto ang gustong susunod na Pangulo ng bansa.
Sa ibinahagi nitong post ay makikita siya sa embassy na ang kanyang larawan ay naka full pink na kulay ni VP Leni Robredo.
Hindi rin ito nagdamot kung sino ang kanyang ibinoto sa pagka-pangulo at ibinahagi nito sa kanyang IG.
Proud na ipinagwagwagan ni Pia na si VP Leni ang kanyang ibinoto na Pangulo ng bansa.
Naniniwala raq si Pia na kahit babae si VP Leni ay kaya naman nito na maging Pangulo.
Dedma naman si Pia sa mga basher ngayong ini-reveal nito kung sino ang kanyang Pangulo. Well, well, well…’Yun na!