Advertisers

Advertisers

MAS MATAAS NA ALERT LEVEL SA MAYO, HINDI IMPOSIBLE AYON SA NVOC

0 327

Advertisers

POSIBLENG itaas muli sa mas mataas na Alert Level ang Metro Manila o ang ilang bahagi ng bansa sa Mayo kung magkaroon muli ng surge ng kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, inamin ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na hindi ito imposible lalo na kung mangyari ang pinangangambahang paglobo muli ng kaso ng COVID-19.

Pero bago ito mangyari ay pag-aaralan itong maigi ng mga eksperto at ng Inter-Agency Task Force (IATF) base na rin sa metrics na sinusunod ng pamahalaan.



Pagbibigay diin ni Usec. Cabotaje na ang talagang isinusulong ng pamahalaan sa ngayon ay ang de-escalation ng iba pang lugar sa bansa na nasa Alert Level 2 pa hanggang sa ngayon patungo sa new normal ng buong bansa.

Hindi naman aniya ito imposible lalo na kung mahigpit pa rin susundin ng lahat ang health and safety protocols at maitataas ang vaccination coverage partikular na ng vulnerable sector.

BABALA NG DOH NA “MINI SURGE” NG COVID-19 SA BARMM, IKINABAHALA

Samantala nababahala naman ang Ministry of the Interior and Local Government sa babala ng Department of Health (DOH) na posibleng magkaroon ng “mini surge” ng COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay BARMM Minister for the Interior and Local Government Atty. Naguib Sinarimbo, isa sa mga rason ay ang mababang vaccination rate sa rehiyon.

Bagama’t mababa na aniya ang kaso ng COVID-19 ay ayaw nilang magpakakumpiyansa at sa halip ay dapat tutukan pa ang pagpapataas ng bakunahan sa BARMM.



Kabilang din sa mga dahilan kung bakit mababa pa rin ang vaccination rate sa rehiyon ay ang vaccine hesitancy, mga lugar na mahirap mapuntahan, at dahil mababa na ang kaso ng COVID-19 ay pakiramdam ng mga tao ay hindi na kailangan pa ng bakuna.

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.