Advertisers
MAGANDANG umaga po Pilipinas! Nais lamang po nating ipaalam sa ating masusugid na taga-subaybay sa ating pitak dito sa REALIDAD ng pahayagang Police Files Tonite ang pagpapasalamat natin sa mga nakaka-appreciate ng ating payak na paghimay sa mga kaganapang pampulitika sa ngayon dito sa ating bansa.
Sa araw na ito, nais nating pahapyawan ang dahilan kung bakit nananatiling bumabandera sa lahat ng surveys ang tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte sa presidential at vice presidential race with only nineteen (19) days TO GO before the actual election day!
Bakit nga ba sa kabila ng mga gabundok na black propagandang ibinabato laban kay BBM ay matibay itong nananatili sa number 1 position sa surveys sa pagka-pangulo ng Pilipinas?
Bakit nga ba nananatiling nasa napakataas na antas na 64% ang preference rating ni BBM sa kabila ng napakaraming paninira at PAGBABATIKOS na ginagawa ng oposisyon laban dito?
Tila sinagot ang mga katanungang ito ni Senador Ping Lacson sa presscon na isinagawa ng apat sa presidentiables kamakailan sa isang hotel sa Makati City kamakailan.
Sabi ni Ping. “ wala naman talagang ganun kadaming Marcos loyalists na umaabot sa mahigit kalahati ng ating total na populasyon (64%).
Kaya umano ganoon ang figures na naitatala ni BBM sa surveys ay dahil sa ganoon din kadaming tao ang galit kay Robredo at sa oposisyon!
Posibleng tama at may punto si Ping Lacson sa kanyang tinuran.
Kaya sarado ang isip ng marami sa ating mga Pilipino ang gusto kay Marcos ay dahil sa sukang-suka na ang mga ito sa mga bulok na pamumulitika ng mga DILAWAN na nagbabangong-puri bilang mga PINKLAWAN sa ngayon.
Sa ginawang pagpapalit ng kulay ng oposisyon from YELLOW to PINK, isa lamang ang nais ipakahulugan dito ng grupo ni Robredo, ang lokohin ang mga Pinoy electorates.
Napakababa ng tingin ng kampo ni Robredo at ng Pinklawan sa mga botanteng Pilipino.
Ang akala ng mga ito ay ganoon na lamang kadali lokohin ang mga tao.
Sinu-sino nga ba ang ino-offer na option ng oposisyon sa mga botante?
Hindi po ba mga repackaged at mga bulok na pulitiko rin na kung baga sa kendi ay pinalitan lang ng balot o wrapper?
“Same old stupid lousy dogs” this time with a different collar.
Sa nasabi ring joint press con nina Ping Lacson, Isko Moreno, former Defense Sec. Norberto Gonzales and Sen.Manny Pacquiao (not present) , tahasang sinabi ni Isko Moreno na dapat lamang magwithdraw na si Leni Robredo sa presidential race dahil kitang-kita ang uri ng pamumulitika nito na isinusulong hindi ang kapakanan at interest ng taongbayan kundi ang interest ng kanilang partido at ang alitan ng mga Aquinos laban sa mga Marcoses.
Marami rin o majority rin sa mga “thinking Pinoys” ang batid na sakaling makatsamba si Robredo at manalong Pangulo ng bansa, kawawa ang kakasapitang kapalaran nating lahat dahil wala itong sariling bait at disposisyon dahil nakabaon sa napakalaking utang na loob sa napakaraming ganid na indibidwal at personalidad ang kanyang panalo.
I could not image kung anu-anong “commitments at arrangements” (concessions) ang pinasok ni Leni Robredo sa mga taong tumutustos sa napaka-gastos nitong kampanya.
Sigurado tayo na isa na dyan ang ipinasarang TV network na ABS CBN na hindi lamang gumugol ng sandamukal na kuwarta at talents (mga artista) para suportahan si Leni kundi isinugal na rin ang kanilang kinabukasan sa pagnenegosyo sa bansa.
Ang nakatago ngunit bistado at garapal na alyansa nito sa hindi lamang KALIWA kundi sa KANAN ding grupo makamit lamang ang panalo sa eleksyon.
Yes po, hindi lamang po sa teroristang NPA naka-alyansa ang oposisyon ni Aling Lenlen kundi sa iba pang kalaban ng estadon na mga certified terorista gaya ng mga extremist right sa Mindanao na na-monitor ng intel community ng military.
Imagine kung gaano kagulo ang magiging gobyerno ng bansa sa liderato ng isang tatayong Pangulo kung si Leni nga ang mananalo.
Wala pa po diyan ang impluwensiya ng America na malaon nang nanggigigil sa ating bansa upang idomina at panghimasukan ang ating domestic affairs.
Chaos at ibayong kaguluhan ang nakikita ng nakakaraming Pilipino sakaling maluklok sa poder si Aling LENLEN.
Ganyan po katindi ang pagnanasa ni Leni Robredo na maluklok sa poder.
Hahamakin ang lahat, Manalo lamang.
Ngayon pa lamang sabi nga ni Ping Lacson, wala nang decency na iginagalang ang bise presidente.
Mababaliw si Leni Robredo kapag tinalo ni Bongbong Marcos ngayong May 9, 2022 elections.
Paanong hindi magkakaganoon, lalabas ang katotohanang pekeng Vice President si Robredo na nandaya nitong nagdaang 2016 elections sa tulong na rin ng Smartmatic, Comelec at ng administrasyong Noynoy Aquino.
Magkakagulo raw umano kapag di nanalong presidente si Leni Lugaw banta ng PINKLAWAN.
Bakit Diyos ba sila para madiktahan ang sambayanang Pilipino.
Marami nang sukang-suka sa DILAWAN na ngayon ay nagbabalatkayong PINKLAWAN.
Wala naman talaga kayong nagawa para sa tao!
Maingay lang kayo at magugulo!
At gaya ng kapalaran ng OTSO DERECHO, sa mabantot na inidoro rin ang bagsak n’yong lahat!
Mark my word!
Nobody loves a cheater!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com