Advertisers

Advertisers

CAGER-POLITICIANS, HANDA NA SA MAY 9 POLLS

0 141

Advertisers

“PATUTUNAYAN ko na hindi lang ako pang-basketbol!” ito ang sigaw at misyon ng pumapalaot na basketball players sa political arena para sa darating na May 9, 2022 national and local elections.

Isa sa aspiring public servants ngayon si ex-PBA veteran DON ALLADO na councilorable ng San Juan City sa tiket ni reelectionist FRANCIS ZAMORA, former starcager niya sa LA SALLE GREEN ARCHERS sa UNIVERSITY ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES.

Estranged hubby ni ALLADO ang aktres na si MARICAR DE MESA na sa totoo lang po, kasama kami sa mga saksi sa engrandeng kasalan sa isang espesyal na venue, Lady of Consolation Parish sa Quezon City.



Nagsama sila for seven (7) years pero hindi pinalad magkaanak sa haba ng paghihintay at pagkainip din ng kanilang parents, relatives, friends and fans. Nag-file sila ng annulment last 2014.

Last 2017 nagkaanak ng babae named LLIANA SKY si Maricar sa bagong partner na isang Amerikano pero nagkahiwalay rin noong 1-year old ang bata, samantalang nanatili si DON sa solo lifestyle.

Kumusta naman ngayon si DON ALLADO? Tutok siya sa kampanyaat serbisyo sa San Juaneños para sa alderman’s seat o luklukan ngkonsehal. Impressive ang dating ni ALLADO sa pagharap sa likod at harap ng stage at interviews. Mukhang pinag-aralan nitong mabuti ang plano sa pagtakbo para magserbisyo-publiko. Humahataw pa sa dance floor si DON sa entablado, hindi lang pang-basketbol na ini-enjoy ng San Juan constituents. Una siyang tumakbo last 2019 in a short-edged journey pero ngayong naimbitahan ni reelectionist FRANCIS ZAMORA, mukhang tuloy na sa pag-alagwa. Tututukan niya bukod sa basketbol para sa kabataan ang physical at mental health pati na ang pag-alalay sa kabuhayan ng parents thru employment, tutok- KA-ALLADO ang sigaw nito.

Nakaaaliw na mistulang basketball team ang ‘MAKABAGONG SAN JUAN’ led by mayorable FRANCIS ZAMORA vice-mayorable WARREN VILLA at Atty. BEL ZAMORA with councilorables JAMES YAP, reelectionist PAULARTADI, DON ALLADO, MACKY MATHAYand ERVIC VIJANDRE.

DEPENSA NI JAMES YAP RE: EXPERIENCE SA PULITIKA ON the other hand, may magandang depensa si JAMES YAP sa mga nagsasabing walang experience sa pulitika ang running cagers, “ Wala naman talagang experience pero sa experience ko bilang public figure, maraming lalapit sa iyo na humihingi ng tulong at tinutulungan naman natin kahit wala dito ngayon.” Well, handa na nga ang ex-PUREFOODS starcager na asset na ng RAIN OR SHINE ngayon na suportado siya sa hardcourt man o political arena.



By the way, ang cagers po ay qualified in terms of educational background, galing sa exclusive o top colleges anduniversities na requirement especially sa professional cagers. Forsure, handa na ang lahat ng cager-politicians sa May 9 polls.

APRIL HEYDAYS
HAPPY BIRTHDAY to MAR SANTOS of General Trias,Cavite City and Mam SUSAN G. DE LEON of Public Information Agency(PIA) . HAPPY READING!