Advertisers
NAHINTO ang isinasagawang laro ng finals ng PBA 3×3 second conference matapos na pumasok ang usok ng nasusunog na construction site sa Smart Araneta Coliseum kung saan ginaganap ang laro.
Dahil dito ay nagtungo na rin sa Smart Araneta ang mga rumespondeng bumbero.
Pinauwi na rin ni PBA commissioner Willie Marcial ang mga manlalaro dahil sa panganib sa kanilang kalusugan ang nasabing nasabing usok.
Dagdag pa ni Marcial na hihintayin muna nila ang abiso mula sa Smart Araneta kung ipagpapatuloy ang Game 6 Finals ng PBA sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts.