Advertisers

Advertisers

Blogger inireklamo ng Cyberlibel ng Paralegal chairman ng Divisoria Public Market

0 340

Advertisers

OPISYAL nang naghain ng reklamo ang Paralegal chairman ng Divisoria Public Market laban sa isang blogger nitong Miyerkoles ng umaga (April 20).

Kinilala ang naghain ng reklamo na si Emmanuel Doctor Plaza, legal age, may-asawa, at residente ng 615 Unit 305 Sto. Cristo St. Binondo, Manila.

Inireklamo ni Plaza sina alyas Niño Barzaga at John Does.



Inihain ang reklamong Violation of Anti-Cyberlibel R.A. 10175 Sec. 4 (c) (4) of R.A. 10175 (Cyberlibel) sa sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Plaza, Abril 5, 2022 nang malaman nito ang ginagawang paninira sa kanya ni Barzaga nang ipakita ng kanyang mga kasamahang vendors na sina Eduardo Fabrigas at Lourdes Estudillo ang episode sa youtube ng pagba-blog nito at malisyuso sinisiraan ni Barzaga ang kanyang pagkatao na napanood ng kanyang mga kaanak at kaibigan sa pamamagitan ng electronic device.

Ang pinakagrabe sa sinabi ni Barzaga sa kayang blog ang kumuha na umano si Plaza ng lugar sa North Cementery na para itong ‘nagbabanta’.

Hindi lang si Plaza ang nakaranas ng trauma at halos ‘di makatulog sa ginawang paninira ni Barzaga kung hindi maging ang kanyang mga kaanak na nasa ibang bansa.

Nagtataka si Plaza kung bakit binabanata siya ni Barzaga samantalang hindi naman sila personal na magkakilala.



Napag-alaman na habang naghahain ng reklamo si Plaza, nakalkal sa NBI na mayroon ng mga naunang reklamo ng cyberlibel laban kay Barzaga.

Iintayin na lamang ni Plaza ang magiging agarang aksyon at resulta ng isasagawang imbestigasyon ng NBI.