Advertisers

Advertisers

COVID 19, HAHATAW!

0 495

Advertisers

MAYOR AT HEPE NAMAMANTIKAAN! UMUUGONG sa halos lahat ng sulok ng lalawigan ang mga pangalan ng mga politiko at ilang opisyales ng kapulisan at iba pang awtoridad na kaalam sa talamak at di masugpong operasyon ng kalakalan ng droga at iligal na pasugal.

Binanggit din sa SIKRETA ng ating police insider na kung saan malaganap ang operasyon ng sugal at bentahan ng droga ay malaki ang kinalaman doon ang mga local government units (LGU) at ilang lokal na pulisya.

“Imposible po na walang alam ang mga mayor at police chief sa mga nangyayaring kailegalan sa kanilang hurisdiskyon lalo’t kung ikukunsidera ay ang area ng kanilang nasasakupang siyudad at mga bayan”, ang pagsisiwalat sa inyong lingkod ng isang beteranong intelligence officer.



Kabilang sa itinuturong mga lugar na garapalan ang operasyon ng kunyari ay peryahang may sugalan (PERGALAN) ay ang mga syudad ng Sto Tomas, bayan ng Taal at Nasugbu, pawang sa Batangas at ilang mga munisipalidad sa lungsod at bayan sa Laguna, Cavite, Rizal, Quezon at Metro-Manila.

Parang kabute nga naman na nagsulputan sa Sto Tomas City ang mga perya-sugalan (PERGALAN) na mayroon pang shabuhan.

Matatagpuan ang mga ito sa Brgy. San Pedro na kinaroroonan pa naman ng Parish of Saint of Padre Pio. Poot ang nararamdaman ng mga deboto ni Padre Pio sa mga may kinalaman sa operasyon ng nasabing pasugalan.

Isang Liza na kilalang may malalim na koneksyon sa mga politiko at kapulisan sa Sto Tomas City ang nagpapatakbo ng naturang drug/gambling haven.

Mayroon din ganitong uri ng pasugalan sa mga Brgy. ng Sta Maria at San Rafael ng naturan ding lungsod na minamaneobra naman ng isang Larry Bokbok.



Ang ipinangangahas kapwa nina Liza at Larry Bokbok ay ang permit kuno na iniisyu sa kanila ng mga barangay chairmen at ni Sto Tomas Mayora Edna Sanchez .

Kahit ipinagbabanduhan pa ng naturang mga ilegalista na may bendisyon sa kanilang operasyon sina Mayora Sanchez at Sto Tomas City Police Chief, P/LtCol. Danilo Mendoza ay duda ang inyong lingkod na kapwa name-droppers lamang ang dalawang nabanggit na ilegalista.

Nagmamamalaki pa nga ang mga ito na bumabaha ang kanilang mga intelhencia sa ilang LGU at sa PNP.

Sa bayan ng Taal ay may mga pergalan na front din ng bentahan ng shabu. Ito ay inooperate naman ng isang Beth sa Brgy. Kawit at iba pang lugar sa nasabing bayan na pinamumunuan ni Mayor Fulgencio “Pong “ Mercado.

Ang mga operasyon naman ng Small Town Lottery bookies o jueteng sa bayan ng Nasugbu ay pinatatakbo ng tatlo katao pinaka-notoryus dito ay isang alias Willy Bokbok na nagpapakilalang political ally ni Mayor Antonio Jose S. Barcelon.

Bukod sa pagiging gambling operator ay nagpapatakbo din ng saklaan sa mga sabungan sa Batangas First District at sangkot pa Willy Bokbok sa gunrunning activity sa nabanggit na lalawigan.

Sa Lipa City naman ay ang mag-asawang alias Hadjie at Aiza ay nag-ooperate ng Small town lottery (STL) bookies o jueteng sa Brgy. San Jose at iba pang barangay sa lungsod din ng Lipa.

Ang mga kabo at kubrador din ng mag-asawa ang itinuturo namang tagapagbenta ng shabu sa halos lahat na barangay ng Lipa City.

Sina alias Ronnie E., at Oying naman ay siyang komokontrol ng operasyon ng saklang patay sa 72 barangay ng nasabing siyudad.

Kapag wala namang maiburol na patay sa mga barangay ng siyudad ay umaarkila ng bangkay sina Ronnie at Oying sa kanilang suking punerarya at ang mga ito ay ipinabuburol nila sa mga barangay ng Lodlod, Bolbok, Sampaguita, Sabang at ilang pang barangay para doon magpasakla.

Ang partehan ay 80 porsiyento pabor kina Ronnie at Oying samantalang 20 percent lamang naman para sa naulilang pamilya.

Kung mananatiling tatamad-tamad, pabaya ang mga alkalde at police chief ng nasabing mga siyudad at bayan ay maniniwala nga ang kanilang mga mamayan na sila ay namamantikaan ng gawaing iligal? Magsusa kayo sa May 9, 2022! Itutuloy.

***

MENSAHE NI JUAN: COVID 19, HAHATAW! AANTAYIN pa yata talaga ang Mayo o pagkatapos na ng halalan bago pahatawin at mapuno na naman ang ating mga ospital ng mga pasyenteng may COVID? Mula Pebrero hanggang Abril, wala pa kayang nagkakahawahan sa mga campaign rally sa pagdadagsaan ng libo-libong mga sumasamang bayaran sa kampanya? Sa Mayo pa sila magkakakahawahan para punuin ang mga ospital at kumita na naman sila ng bilyones at bumagsak pang lalo ang ekonomya bago sila magsilayas sa kani-kanilang mga puwesto. Kayo naman talaga ang nasusunod kung kailan hahataw ang COVID 19. Paano kung manalo ang BBM-Sara tandem, di na matutuloy ang pagkalat ulit ng COVID o tuloy pa rin para ratsada na naman ang kurakutan? JUAN PO. Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.