Advertisers

Advertisers

BOC – PORT OF CLARK, DAANAN NG DROGA

0 312

Advertisers

PALAGAY ko, isa sa mga batayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabi kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero noong Agosto 31 na patuloy pa rin ang pagpasok ng iligal na droga sa bansa, sa pamamagitan ng mga pantalang sakop, hawak at kontrolado ng BOC, ay ang nagaganap sa Port of Clark (POC).

Aminado ang BOC – POC na pinamumunuan ni District Collector Atty. Ruby Alameda na marami nang dumaang iligal na droga sa POC ngayong taon.

Ngunit, nakumpiska ang mga ito ng POC.



Batay sa rekord ng POC, nakakumpiska ng mga tauhan ni Alameda ang iba’t ibang klaseng iligal na droga tulad ng ecstasy at marijuana mula Enero hanggang Hulyo ng taong kasalukuyan.

Ang kabuuang halaga nito, ayon sa POC, ay P33 milyon.
\Kaya, mula Enero hanggang Hulyo ay pumapalo sa P5.5 milyong halaga kada buwan ang nakukumpiskang droga ng POC tulad ng ecstasy at marijuana.

Kaya, ecstasy at marijuana lang ang binabanggit ko dahil sa press statement ng BOC ay walang binanggit na methamphetamine hydrochloride (shabu) at cocaine.

Wala ring binanggit ang BOC na mayroong nasakote ang mga tauhan ni Alameda na mga taong may kinalaman sa mga iligal na droga.

At wala ring opisyal at kawani ng BOC – POC na kontak ng mga taong mayroong kinalaman sa pagpasok ng iligal na droga sa POC ang nahuli ang mga tauhan ni Alameda.



Pokaragat na ‘yan!

Ngunit, para sa BOC, lalo na sa BOC – POC, “accomplishment” na ang pagkakakumpiska nila sa P33 milyong halaga ng iligal na droga mula Enero hanggang Hulyo.

Dahil sa nagawang ito ng POC, ginawaran ni DC Alameda ang kanyang mga tauhang naging bahagi ng operasyon laban sa iligal na droga nitong Agosto 13.

Ang Certificates of Commendation na ibinigay ni Alameda ay “part of its initiative on organizational development and further boost the morale of its employees,” banggit sa BOC press statement.

Ayon sa BOC, “[the] said commendation is one way of showing the port’s appreciation for the vigilance and dedicated service of its personnel which greatly contributed to realizing the Bureau’s mission of border protection and PPRD’s war on drugs.”

Okey ‘yan!

Pero, bakit nitong Setyembre 1 ay mayroon na namang dumating na 988 pirasong ecstasy na ang halaga ay P1.6 milyon?

Pokaragat na ‘yan!

Ayon sa BOC press statement nitong Setyembre 11, deklaradong “Air humidifier” ang dumating na produktong galing Milton Keynes sa United Kingdom nitong Setyembre 1.

Ngunit, nadiskubreng 988 pirasong ecstasy pala ito.

Talagang 988 lang ha?

Kulang ng 12 piraso para maging isang libo lahat.

Pokaragat na ‘yan!

Nabanggit sa parehong press release, ika-18 shipment na ng iligal na droga sa POC ang nakumpiska nito noong Setyembre.

Dapat sa susunod ay mayroon nang ‘mabaril’ na mga sangkot sa iligal na droga ang mga taga-POC na pinamumunuan ni DC Alameda.

Ipaalala ko lang na galit na galit na si Duterte sa walang tigil na pagpasok ng iligal na droga sa bansa mula sa ibang bansa hanggang ngayong mahigit isang taon na lamang siyang pangulo ng bansa.