Advertisers

Advertisers

Araw na-10 ‘to!

0 235

Advertisers

NOON ring ika-23 ng Abril pero 57 na taon na ang nakalipas ay isinilang sa Naga, Camarines Sur si Maria Leonor G. Robredo kina Judge Antonio Gerona at Teacher Salvacion Sto Tomas.

Pinalaki at pinag-aral nang mabuti ng mga magulang ang numero diyes sa listahan sa pagkapresidente upang maging isang ekonomista, guro at abogado ng mga api.

Ikinasal siya kay Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Aika, Tricia at Jillian.



Lingid sa kaalaman ng iba ay mahilig sa sports ang ngayo;y ating Bise-Presidente.

Naglalaro siya noon ng table tennis at football. Lumalangoy din gaya ng mga supling nguni’t hindi ganoon ka-competitive.

Pero sa volleyball hirap daw siya. Kwento niya ito mismo sa panayam ni Sev Sarmenta sa programang OKS.

Idinagdag pa ng presidential aspirant na gaya ng kabiyak ay mahilig din siya sa chess. Sa basketball naman ay kontrapelo raw sila ng mga koponan na sinusuportahan.

“ Sa tatlong swimmer namin ay nakasubaybay ako parati. Hatid- sundo ko sila sa training at competition. Wala kaming drayber kaya ako mismo kasama nila sa lahat ng mga lakad.”



Nang tanungin naman siya ng batikang sportscaster hinggil sa papel ng sports sa nation-building ay heto sagot ng dinudumog ng sankaterbang tao ang mga rally.

“ Napakahalaga ng ginagampanang role nito sa pamilya at buong bansa. Tinuturo nito ang disiplina, ang pagpupursige at teamwork para sa isang common goal. Hindi lang upang manalo kundi pati na rin ang personality at character development.”

Tama nga naman. Hinuhubog tayo para maging kampeon at responsableng mamamayan.

***

Alam ba ninyong Si Assistant Coach Jason Webb ay isang negosyante rin? Mayroon siyang restaurant sa Podium sa Ortigas, trucking at juice business.

Yaku ang Japanese resto na mga dalawang dekada na sa high-end mall ng mga Sy. Squeezed It naman ang tatak ng consumer brand ng confirmed kakampink.

Yang ang napag-alaman natin ng maging bisita ang prudukto ng La Salle sa programa natin nitong Lunes ng hapon sa DWBL 1242 khz.

Nabanggit din ng bunso ni basketball legend Freddie Webb na halos silang lahat sa coaching staff ng Magnolia ay mga maka-Leni. Napansin nga natin na kapareho niyang nakapolo o face mask ng kulay rosas sina Johnny Abarrientos at Mon Jose sa bench ng Hotshots.

Sina VP Robredo raw kas angi nakakainspire na lider. Matino, mahusay at may puso para sa mga Pilipino.

“Bihira ang kawangis ng biyuda ni Jesse Robredo kaya huwag na natin sayangin ang pagkakataon,: wika ng dating konsehal ng Paranaque.