Advertisers

Advertisers

Angel nakipagplastikan kay Bato nang magkita sa Leyte

0 188

Advertisers

Ni BETH GELENA

MULING lumipad ang humanitarian actress na si Angel Locsin para magbigay ng tulong sa nasalanta ng bagyo kamakailan sa Leyte dahil sa pagkakarooon ng landslide.
Hindi naiwasang magkita roon sina Angel at Senador Bato dela Rosa.
May kuhang larawan na magkasama ang dalawang personalidad na naka-post sa Instagram ng aktres.
Ang daming nagreak sa posted picture ng dalawa.
“Ang Darna na hindi lang pang teleserye kundi sa tunay na buhay in character parin.”
“Eto tlga yung hnd nambabastos eh”
May nagcomment naman na, “Ang plastic talaga ni Angel naalala ko nga yung post niya dati binabash niya si Sen. Bato tapos ngayon pa-friendly kuno.>&@&þ”
Sumagot ang isang faney, “Pwede bang civil lang?” Kung maayos naman nakikipagusap yun tao that time gusto mo um-attitude si ate gurl?”
“Respeto ang tawag jan Kahit nambabatikos c angel marunong sya makiharap sa tao lalo na kung pinapakiharapan din naman sya ng maayos. Di mo kailangan bastusin kung tao naman nakiharap sayo diba?”
Komento naman ng isang netizen sa larawan ng dalawa, “Bakit may pic si Angel with Bato na naka Sara shirt? Ibig bang sabihin na Leni si Angel pero ang iboboto niya ay si Sara Duterte Leni/ Sara Tandem?
“Sa pagtulong talaga inuubos ni Angel yung pera nya. No wonder ang blessing ang lumalapit sakanya =”
Naaliw naman ang iba sa joke comment na, “Si Darna at ang real life bato……”
May advise naman ang isang netizen sa aktres.
***
AJ NAGTAPAT, OK LANG MAGPASEKSI BASTA MAY
KATUTURAN
NAG-BEG off si AJ Raval sa Scorpio Nights 3 hindi dahil sa boyfriend na si Aljur Abrenica na kasama sa cast kundi sa tinatakbo ng istorya.
Hindi raw niya nagustuhan ang script kaya napunta ang project sa sexy star na si Christine Bermas.
Ayon sa anak ni Jeric Raval, magiging pihikan na raw siya sa materyal na may daring scenes.
“Ayoko pong magsinungaling, pero may ganoon din po na part sa akin, kasi po parang nagbabawas na rin po ako sa pagpapaseksi,” pag-amin ni AJ.
Pero nilinaw niyang hindi problema ang pagpapaseksi sa kanya.
“Gustung-gusto ko po yung pagpapaseksi. Natutuwa po ako na tinatawag kami na pantasya ng bayan.
“Siguro po, pagdating sa story, gusto ko po kung magpapaseksi ako, yung meaningful po.
“Kung magpapaseksi po ako, yung may katuturan.”
“Hinding-hindi ko po bibitawan ang pagpapaseksi, masaya po ako dun at dun ako nakilala ng mga tao,” dagdag pa niya.
Wala raw kinalaman si Aljur sa kanyang desisyon.
Si Aljur ay isa sa mga pinagpilian para gumanap sa karakter ni Daniel Fernando sa original version ng pelikula.
Si Raymond Bagatsing naman ang gaganap sa role na ginampanan noong 1985 ng pumanaw na aktor na si Orestes Ojeda.
***
2G2BT NG KATHNIEL MAPAPANOOD SA NETFLIX
NAKIPAG-CONNIVE ang ABS-CBN sa Netflix para mapanood ang KathNiel series na 2 Good 2 Be True.
Pinagbibidahan ng reel and real-life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang 2G2BT.
Excited ang celebrity couple na unang mapapanood ng kanilang fans ang upcoming series nila sa Netflix.
Napagkasunduan ng ABS-CBN at Netflix na ang groundbreaking simulcast ng 2 Good 2 Be True ay ekslusibo munang mapapanood ng 72-hour sa global streaming platform bago mapapanood ang episodes sa free at pay television.
“Super pleasant surprise,” ani Kathryn sa interview ng ABS-CBN News.
“Noong tumawag si Tita Cory (Vidanes), sabi lang niya, ‘Kath, can I call? Because I want na sa amin mo unang marinig.’ Hindi ko naman in-expect na ‘yun ang sasabihin niya kaya super na-excite kami lalo.”
Si DJ naman ay proud sa kanilang direktor na si Mae Cruz-Alviar dahil sa vision ng kakaibang atake para sa televiewers.
“Mas film style na ‘yung show. Hindi lang siya basta. Dati, ‘yung mga serye kasi natin ‘pick pack’ lang — usap, dalawang camera, dalawang kinukuhanan tapos next sequence na tayo,” esplika ng aktor.
“Ngayon, para tayong pelikula. May three shots para sa isang eksena na iba-iba ‘yung anggulo. Mas film ‘yung feel nito. Film talaga ‘yung pagkuha nitong serye ngayon. It’s much better. Sakto siya sa Netflix dahil siyempre kailangan nating lumebel sa kanila doon,” dagdag pa ni DJ.
Ayon naman kay Kath, “Ito mas healthy and alam namin na kapag may eksena, hindi masyadong minamadali and happy kami sa kalalabasan. I think important naman talaga to give quality projects, more importantly na nandito na sa Netflix. Ayaw naman natin din magpahuli and we want to keep improving ‘yung ABS, ‘yung quality ng mabibigay nating projects.”
Ang buong cast ng 2G2BT ay sina Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, and Irma Adlawan, along with Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, and Smokey Manaloto.
Kasama rin sina Matt Evans, Jenny Miller, Yves Flores, Pamu Pamorada, Bianca de Vera, at Alyssa Muhlach.