Dating mag-BFF na sina Julia at Janella nagkita sa Batangas; Angelica proud na nilantad ang baby bump sa IG
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PROUD mom ang peg ni Angelica Panganiban nang ilantad ang baby bump sa kanyang IG account kasama ang non-showbiz partner na si Gregg Homan.
Umingay ang pagdadalang tao ni Angelica nang i’-reveal nito nitong March 2022 na siya ay preggy.
At lalo pa ngang nakumpirma ang pagbubuntis ni Angelica nang mag-post ito ng mangga na kadalasang pinaglilihian ng mga buntis.
Sa pagbandera nito sa kanyang baby bump ay maraming bumati sa aktres, mas pumukaw naman ang komento ni Janine Gutierrez nang sabihin nito na ‘Napakagandang buntis’.
Kaya pagmamalaki ni Angelica na babae siya at may matres.
At ito nga raw ang role na gusto nitong gampanan sa totoong buhay, ang maging isang ganap na ina.
Pinasalamatan din ni Angelica ang mga kaanak at kaibigan na nagdasal na siya ay magbuntis na.
This is it na nga raw kaya ganun na lang ang pasasalamat nito sa Itaas sa pagkakaloob sa kanila ni Gregg ng isang biyaya.
Now alam na natin kung bakit marami siyang tinanggihan at ‘di na muna tumanggap ng mga proyekto.
***
MULI ngang nagkita ang dating magkaibigan na sina Julia Barretto at Janella Salvador sa kasal nina Patrick Sugui at Aerial nitong Abril 21 sa Nasugbu, Batangas.
Parehong bridesmaid sina Julia at Janella kasama sina Gabbi Garcia at Ria Atayde.
Taong 2021 ng September pa nga raw na di nag-uusap sina Julia at Janella.
Di naman dinetalye ni Janella kung ano nga bang reason ng biglaan na lang na tila nanlamig na ang kanilang friendship.
Ayaw man isiwalat ni Janella ay natukoy na ito ay dahilan kay Joshua Garcia na dyowa na ni Julia habang leading man naman ito ni Janella sa Killer Bride.
Pero patotoo ni Janella na nag-reconnect sa kanya si Julia nung malamang ipinagbubuntis nito noon si Baby Jude. Nag-send ng balloons si Julia at nag-thank you naman si Janella.
Hindi naman nilinaw kung sa pagkukrus ng landas ng dating magkaibigang Julia at Janella kung nakapag-usap na sila sa kasal sa Batangas.
Well, well, well…’Yun na!