Advertisers
KUNG gaganapin ang halalan ngayon, ayon sa poll na isinagawa noong Abril 17-21, 2022 ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa National Capital Region, mananalo ang mga kandidatong ito: Bongbong Marcos (President), Sara Duterte-Carpio (Vice-President), Joy Belmonte (Mayor-Quezon City), brothers Toby Tiangco (Congressman) and John Rey Tiangco (Mayor) in Navotas, father-and-son Oca Malapitan (Congressman) and Along Malapitan (Mayor) in Caloocan, Ruffy Biazon (Mayor-Muntinlupa), Emi Calixto-Rubiano (Mayor) and Vico Sotto (Mayor-Pasig).
Ayon sa “Boses ng Bayan: NCR 2022” survey, 35% ng mga botante ang mas gusto si Bongbong Marcos bilang Presidente, habang 45% ang mas gusto si Davao City Mayor Sara Duterte bilang Bise Presidente.
Si Mayor Joy Belmonte, na ilang beses nang itinanghal na “National Capital Region’s Best Performing Mayor,” ay nanatiling frontrunner na may 65 porsiyentong suporta ng botante laban sa 33% ni Congressman Mike Defensor. Mataas ang lamang ni Belmonte sa pagkakilala, tiwala, at pagkakontento sa kanyang serbisyo sa lahat ng mga sektor ng lungsod. Umangat din siya dahil sa kanyang mga programang nagsusulong sa mga maliliit at lokal na negosyo’t kooperatiba, ayuda sa mga nawalan ng hanapbuhay, at pabahay. “Very High Satisfaction” din ang marka niya sa patuloy na pagtugon ng kanyang administrasyon laban sa pandemya, lalo na sa social welfare assistance, mga benepisyong medikal, at pagbabakuna. Sa kabilang banda, lumabas na mababa ang trust at satisfaction rating ni Defensor, dahil raw sa kanyang kamay sa pagpapasara ng ABS-CBN, sa kanyang paninira sa kanyang mga kalaban, at sa pamimigay ng Ivermectin. Tumatak din sa isip ng botante na mahilig mangako si Defensor ngunit kadalasan ay hindi naitutupad, at tila hindi din nila maramdaman ang tulong ng pulitiko bagaman ito ay isang nakaupong Kongresista.
Samantala, siguradong mananalo ang magkapatid na Tiangco sa Navotas City dahil buo na ang desisyon ng mga Navoteños na suportahan si Mayor Toby Tiangco (92 percent) para sa Kongreso at Cong. John Rey Tiangco (88 percent) para sa Alkalde ng lungsod dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa kanilang kasalukuyang tungkulin bilang Congressman at Mayor, at nais ng mga botante na ipagpatuloy nila ang mga programa at proyektong nasimulan na. Sina Gardy Cruz at RC Cruz ay nakatanggap lamang ng 6% at 9%, ayon sa pagkakasunod.
Sa Caloocan City, naranasan na ng mga botante ang mahusay na serbisyo publiko ng Malapitan at naniniwala sila na kung muling mahahalal ang dalawa, mas mapapabilis ang mga programa at proyekto. Si Along Malapitan ay inaasahang mahalal na Alkalde na may 80% ng boto, kasunod si Congressman Egay Erice na may 18%. Si Mayor Oca Malapitan naman ay siguradong uupo sa kanyang dating pwesto bilang Kongresista na may 92 porsiyento ng boto.
Si Ruffy Biazon, isang batikang mambabatas na naglingkod sa Kongreso mula noong 2016, ay inaasahang madaling talunin si dating Immigration Commissioner Marc Red Marinas sa pagka-alkalde ng Muntinlupa City, na sangkot sa kontrobersyal na “pastillas scandal.” Sinabi ni Cong. Nakuha ni Biazon ang 85% ng boto, habang si Marinas ay nakakuha ng 13%.
Sa Pasig City nakuha naman ni Mayor Vico Sotto ang 67% na suporta ng laban kay Vice Mayor Iyo Bernardo na may 30%. Si Vice Mayor Honey Lacuna na may 55% naman ang nanguna sa Manila laban kay dating Congressman Amado Bagatsing (20%) at Alex Lopez (18%). Sa Taguig City, lamang naman si Congresswoman Lani Cayetano na may 70% votes laban kay dating Congressman Arnel Cerafica na nakakuha ng 25% vote count sa karera. Sa Marikina City, si Mayor Marcy Teodoro pa rin ang wagi na may 58% laban kay Congressman Bayani Fernando na may 38%.
Sina Mayor Abby Binay ng Makati City (95%), Emi Calixto-Rubiano ng Pasay (93%), Cong. Weslie Gatchalian ng Valenzuela (90%), , Imelda Aguilar ng Las Pinas (91%), Benjamin Abalos Sr. ng Mandaluyong (88%), Ike Ponce III ng Pateros (88%), Francis Zamora of San Juan (85%) at Cong. Eric Olivarez ng Paranaque (78%) ay frontrunners sa 2022 mayoralty race at naghihintay na lang sa kanilang oathtaking. Samantalang si dating Vice Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon ay nakakuha ng 54% laban sa katunggali na si City Councilor Enzo Oreta 42%- ayon kay Dr. Paul Martinez of RPMD.
Ang “Halalan 2022 NCR Survey” ay ipinatupad sa pamamagitan ng face-to-face interviews, at mayroong kabuuang 10,000 respondents na kinuha nang random mula sa 7,322,361 rehistradong botante sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila, na may margin of error mula 2.5% hanggang 3.0 % para sa malalaking lungsod, habang ang margin of error para sa maliliit na bayan na may 850 respondents ay 3.36 porsiyento.