Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SO totoo ‘yung lumabas na balita na hiwalay na sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa. Si Jake na mismo ang nagkumpirma na wala na sila ni Kylie sa pamamagitan ng kanyang Instagram post noong Sabado, April 23.
Post ni Jake,”This was us,” simula ni Jake sa kanyang Instagram post na may kalakip na picture ng miniatures nila ni Kylie kasama ang dalawa nilang alagang aso. May picture rin silang magkahawak-kamay.
Ayon sa aktor, hindi madali ang naging desisyon nilang maghiwalay ni Kylie.
“I’ll hold on to all our precious memories together with so much value.
“This past 3 years of my life have certainly been the best.
“I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways,” anunsiyo ni Jake.
Hiwalay man ang landas nila ngayon, sinabi ni Jake na nananatiling mabuti silang magkaibigan ng dating karelasyon.
“I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger.
“We both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness, no anger, and no regrets, only the good memories. Certainly that’s what I will be holding on to.
“I will still be here to support you because in so many ways I feel a part of your journey and I will always pray for your success.
“I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it. As friends.”
“Wherever you are or what ever your doing I will always be sending you love and positivity.
“Know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie.”
Isa na namang relasyon sa showbiz ang nasira. Pero ano kaya ang dahilan ng hiwalayan nina Jake at Kylie? Pero may sitsit na si Kylie ang nakipag-break kay Jake. Ano nga kaya ang dahilan?
***
HANGA ako rito sa isang direktor dahil in fairness mahusay naman talaga siya. Kaya nga naging award-winning director siya. Hindi na nga mabilang ang Best Director trophies na natanggap niya.
Pero kahit mahusay siyang director ay nakagagawa rin siya ng basura o hindi magandang pelikula.
Tulad ng isang sexy film na ginawa niya na ang bida ay isang baguhan.
Ang pangit talaga ng pelikula. Pulos hubaran lang ang ipinakita,walang istorya Nota kung nota pa ang labanan ng mga nagsiganap.
Hindi ako makapaniwala na siya ang direktor ng nasabing pelikula. Parang bigla tuloy nawala ang paghanga ko sa kanya.
Tanggap na lang siya nang tanggap ng pelikula masabi lang na may pelikulang ginawa .