Advertisers

Advertisers

Andrea pinag-uusapan ang beach photo sa IG

0 202

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MULING pinatunayan ng Sparkle actress na si Andrea Torres na isa siya sa mga pinaka-sexy sa Kapuso Network, matapos pag-usapan ang latest beach photo niya sa Instagram.
Feeling confident and sexy si Andrea habang naka-pose sa isang white-sand beach suot ang isang animal print-inspired na bikini.
Napa-comment din sa viral photo ni Andrea ang Kapuso actress na si Ina Feleo.
Comment ni Ina ay “Rawwrrrr!”
Kasalukuyang nasa Caramoan si Andrea para sa shooting ng kaniyang international movie na Pasional.
Samantala, tinutukan naman ang guesting din ng former Bubble Gang star sa hit sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer.
***
NAGBABALA sa publiko ang Kapuso actress na si Carla Abellana tungkol sa fake product endorsement sa social media na ginamit ang kanyang larawan nang wala siyang pahintulot.
Ipinost ni Carla ang screenshot sa Facebook post na makikita ang kanyang larawan na pinapalitaw na iniendorso niya ang isang produkto para sa weight loss.
Mariing itinanggi ni Carla sa Instagram story na iniendorso niya ang produkto.
“Please be advised that I do not, never did, and never will use this brand and these products with ads circulating all over social media, particularly on [Facebook],” saad ng aktres.
“This is false advertisement and the page owner has ignored my personal request to remove the ad. I can now proceed to take legal action against them,” dagdag niya.
Sa isang panayam noon, dati nang inihayag ni Carla na nagkaroon siya ng hypothyroidism, na dahilan ng pagbigat ng kanyang timbang noong 2019.
Mula noon, ibinabahagi na ni Carla sa kanyang IG account ang mga paraan na ginagawa niya para magbawas ng timbang tulad ng meditation at workout.
***
ANG businesswoman (sa loob ng halos dalawampung taon) na si Alelee Aguilar-Andanar ay natagpuan ang kanyang calling sa serbisyo publiko mula pa noong pagkabata.
Lumaki sa pamilya ng mga public servants, mahusay at passionate sa public service at business management si Alelee.
Bilang maybahay ni Presidential Communications Secretary at acting presidential spokesman na si Martin Andanar na isang Bisaya, naniniwala si Alelee na ang pagpapahalaga sa kabuhayan ng mga Bisaya ay nararapat na pagtuunan ng panahon at atensyon sa layunin ng ating bansa tungo sa kaunlaran at progreso.
Ang Bisaya Gyud Partylist 108 ay may hangarin na pagtuunan ng pansin ang apat na aspeto; food, security, shelter at education – ang mga ito ay kaakibat ng personal niyang adbokasiya upang tulungang mapababa o tuluyang mawala ang kahirapan sa bansa.
Ayon kay Alelee…
“We are making progress in the country, that’s obvious, but we cannot turn a blind eye to the long standing inequities that are still present in terms of economic and academic opportunities for our kababayans in Visayas and Mindanao.”
Isa sa kanyang mga hangarin ay ang pagsuporta sa mga polisiya na hihikayatin ang mga Pilipino, lalo na ang kabataan na maging food producers.
Sinabi rin ni Alelee na…
“When we sit in Congress, we already know what problems we would want to address. As we navigate our way out of the pandemic, this is the best time to be able to contribute to solving them,” she said.
Marahil ay hindi batid ng nakararami na matagal na ang pagkilos ni Aguilar-Andanar upang abutin ang mga nasa laylayan ng bansa tulad ng mga lugar sa Las Piñas City at Siargao Islands sa lalawigan ng Surigao del Norte habang pinagtutuunan din ng pansin ang kanyang entrepreneurial ventures.
Si Alelee ang pinuno ng Nene Aguilar Foundation, na ang hangarin ay makapagbigay ng libreng edukasyon sa pamamagitan ng scholarship at mga educational allowances sa mga kapuspalad na estudyante sa Las Piñas City.
Miyembro ng Sons of Siargao si Alelee na itinatag ng kanyang mister na si Martin. Kapag nasa Siargao ang kanilang pamilya ay sinisigurado ni Alelee na magdala ng mga libro na nakolekta nila mula sa kanilang mga donation drives na sinimulan ng kanilang mga kamag-anak sa Australia.
Inendorso mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte, nangangako si Alelee na ang kanilang grupo ay “will pursue and improve the platforms and reforms initiated by the Duterte administration in the said sectors”.