Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MUKHANG tututukan at popokus na ang engaged couple na soon to be husband and wife na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa negosyo.
Dahil surf champion si Philmar kaya naisip ng couple na magtayo ng business sa Siargao.
Ibinahagi nina Andi at Philmar ang pagtatayo nila ng surf school, shop at snack bar.
Dream come true sa dalawa na magkaroon ng business. Tinawag nilang Kinaway surf school, shop at snack bar ang itinayo nilang negosyo.
Matututukan daw ni Andi ang negosyo lalo pa nga raw at ‘di naman siya active sa showbiz. Natuwa naman si Jaclyn Jose, ina ni Andi, sa achievement ng mag-asawa sa pagiging mga negosyante.
Kaya ayon sa tagahanga ni Andi na malabo na nilang makita na makagawa pa ng serye or movie ang partner ni Philmar.
***
ABANGERS pa naman ang mga tagasuporta na mabanggit man lang ang namesung ni Kiko Pangilinan ni Diamond Star Maricel Soriano.
Natapos at natapos ang kuda nito ay never talaga niyang nabanggit ang name ni Kiko.
Ang ganda pa naman ng pagpapakilala sa kanya ng misis ni Kiko.
Ayon naman sa tagahanga ni Maricel, huwag na raw gawing isyu ito.
Pero may mga tagasuporta ni Kiko na nagtampo at bakit kahit Kiko na lang ay di man lang lumabas sa bibig ni Maria.
Paliwanag ng kampo ni Maricel na maikli lang ang time na binigay ng campaign manager ni VP Leni sa aktres.
Kulang daw ang oras at sadyang babatiin lang ni Marya sa kaarawan si VP Leni at ieendorso.
Pero may bulung-bulungan na may iba raw itong VP na sinusuportahan. Hmmmp!?
Well, well, well…’Yun na!