Advertisers

Advertisers

MATATANGGAP ANG RESULTA

0 1,448

Advertisers

MAIGTING ang laban ng una at pangalawa sa halalang panguluhan na tila walang ibig magbigay. Sa sitwasyong ito, masasabing walang bisa ang huling kabit dahil lubhang malayo ang pwesto ng pumapangatlo sa dalawang nauuna. Sa pambabatikos sa nag-iisang babae na tumatakbo sa panguluhan, tuwirang sinira ng pangatlo ang tsansa sa maganda sanang laban. Sa natitirang mga linggo o araw sa panghihikayat ng mga manghahalal, marahil ito ang magdidikta sa kung sino ang papalarin sa Mayo 9.

Maganda ang tindig ng dalawang kandidato na nagsisikuhan sa unahan, subalit kung pagbabatayan ang mga kasalukuyang nagaganap, masasabing nakaungos ang babaeng may kasipagan sa pag-iikot. Hindi ito nagpaproxy sa mga naka iskedyul na mga rally, at ito ang mismong nagbibigay talumpati saan mang may pagtitipon. Ang kasipagan nito ang susi kung bakit ang malaking kalamangan ng tamad ng Ilocos ay unti-unting nilamon. Tila magaganap muli ang naganap ng 2016, kung saan ang pagiging kampante ni Boy Pektus ang nagbigay ng tagumpay sa abalang pangulo.

Sa kaganapang ito, mukhang medyo niyayanig ng pagkabahala ang grupo ng Inutile at gumamit pa ng bayarang kandidato upang pulaan ang masipag na abalang pangulo. Ngunit tila may kamay ang sanlumikha sa kaganapan dahil lalong nakita ng tao sa laylayan na pinagtutulungan ang nag-iisang babaeng kandidato sa panguluhan. At tulad ng dati, nahahanay ang Pinoy sa inaapi, na nagresulta ng paglakas ng kandidatura ni Leni na nagpalaki sa problema ni Boy Pektus.



Sa paglakas ng kandidatura ng abalang pangulo nitong mga nagdaang araw o linggo natulala ang kampo ng mga katungali lalo ang grupo ni Boy Pektus at nagnais na sukatin ang lakas ng charisma ng kalimbahin sa dami ng dumadalo sa campaign rally nito. Naglakas loob ang batang Manda na campaign Manager ni Boy Pektus at tinapatan ang birthday rally ni Leni noong Sabado, hayun nahimasmasan ang mama at aminadong hindi kayang tapatan ng mga lider sa baba ang lakas ng hila sa mga kusang dumalo sa MOA.

Ayon sa pagtataya ng pulisya, mahigit 100K katao ang dumalo sa compleanno ng abalang pangulo. Habang sa mga nagtulak ng pagtitipon sa MOA ito’y umabot hanggang EDSA na may bilang na 415K katao ang dumalo. Habang ang sa Bustillos, Sampaloc sa lugar ng batang Maynila, umabot lamang ang bilang na 15K katao, na hinakot pa ang mga dumalo. Sa paglalakas loob ng mga Inutile na tapatan ang rally sa MOA at ‘di kinaya, hayun habol ang mga trolls sa paglalabas ng kung anu-ano, maging ng mga bagong survey na hindi na mababago ng grupo ng kalimbahin ang takbo ng halalan. At ang aktwal na resulta na lang ang hinihintay para masabing panalo na si Boy Pektus. Ngunit iba ang nakita ng mata at ang pagtatakip ng mga bayarang trolls upang pakalmahin si Boy Pektus sa kabang nadarama, coke zero please.

Ito ang nakakagalit na pangyayari sa mga nakaraang araw para sa mga katunggali ng kalimbahin lalo ang batang Maynila at ni Boy Pektus. Naglilipatan ang mga dating kaalyado sa panig ni Leni tulad ng mga Mangudadatu na unang nagpahayag ng suporta sa batang Maynila. Hindi lang ito, pumanig din ang liderato ng BARMM sa kalimbahin sa ngalan ng mabuting programa para sa lahat. Hindi lang pagkakaisa ang dahilan ng pagpanig, ang pundasyon ng mabuting programang panlipunan ang siyang nakita ng mga kapatid nating Muslim sa hanay ng grupo ni Leni kung kaya naganap ang paglipat. Ang usapan na may puso at direksyon ang humatak sa mga ito na lumipat ng suporta para sa abalang pangulo. Walang palitan ng kung anong halaga, ang mahalaga’y walang pagkukunwari sa usapan na nakabase sa realidad na nagaganap sa nasasakupan. Ang pagtitiyak ng patas na pagtingin sa lahat ang pinanghawakan.

Sa regla ng mga pangyayari, magaganap ba ang pagkakaisang isinusulong kung hindi papalarin sa halalan ang Inutile lalo ang ulo nitong hindi marunong tumanggap ng pagkatalo. Ang halalan sa bansa’y simbolo ng kalakasan ng mamamayang Pilipino, ito ang demokrasyang ipinagmamalaki ng ating bayan. Ang pagkakaisang namumutawi sa bibig ni Boy Pektus ay dapat maging katotohanan sa pagkatapos ng halalan at maideklara ang tunay na nanalo na siyang boses ng taong bayan. Ang pagkakaisa na hindi napasailalim sa pansariling layon na magdudulot ng pagkakawatak ng Pinoy sakaling hindi pabor sa iba ang resultang ninanais.

Ang pagtanggap sa resulta ang magpapatunay na kinikilala ng sino mang tumatakbo ang lakas ng tao lalo sa pagpapasyang magaganap. Huwag ilakip ang pansariling pagnanais sa nais ng bayan dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng bayan at salinlahi. Sakaling magtagumpay, itatangi lahat na dapat paglingkuran dahil ito ang pangako ng politikong humihingi ng basbas ng bayan, kalimbahin o ngiwi. Ang basehang survey’ na ipangalandakan ng mga nangunguna umano’y huwag gamiting dahilan sa pagkakahati-hati kung sakaling di pumabor o mag-iba ang resulta sa halalan.



Ang magpailalim sa pasya o sa boses ng mamamayang Pilipino ang nagsisiguro ng pagkakaisa. Ang pagkakaiba ng nagaganap sa mga survey at ang mga campaign rally na magkaiba ang tindig, huwag gawing dahilan ng kaguluhan para sa hinaharap. Kung sino ang napipisil ni Mang Juan, Aling Marya at ng balana na siyang tunay na pasya ng bayan ang siyang dapat matanggap ng magkabilang panig. Ang pagpapasyang magaganap sa Mayo 9, na tuwirang basehan ng lahat ng survey at rally ay dapat matanggap ng walang pag-aalinlangan. Huwag ialis sa isipan na ang pagpapasya’y pagpapasya ng buong bayan at hindi ng isang bayan o lugar na pwedeng gamitin upang baguhin ang resulta ng halalan.

Umaasa sa magkabilang panig ng halalan na kung sino ang palarin labas o iba sa nais, ang ginawang pagpapasya’y matangap ng maluwag sa puso at isip. Ang pagtanggap sa pasya ng Pinoy ang siyang dapat mangibabaw at hindi ang sariling layon. Ang tanggapin ang pasya ng tao lalo’t nasumpungan ang malinis na halalan ang dapat, dahil ito boses ng bayan. Tunay na masakit tanggapin ang pagkatalo lalo’t hindi maliit ang halagang ginugol, subalit ito ang prosesong natatangi sa bawat bansa na pinahahalagahan ang boses ng mamamayan. Ano man ang uri ng pagkatalo, basta’t malinis ang pinagdaanan, nakagagalak na ito sa mamamayan.

Ang pagtanggap ng kabiguan sa gitna ng mahigpit na laban ang magpapakita ng kung anong uri ng pagkatao ang meron kung sino. Ang pagkakaisa’y hindi dapat na pang slogan lang, sa halip ang isabuhay ito sa ngalan ng bansa’y tila galaw ng dakila na wala mang rebulto ngunit bayani ring tinuturingan. Huwag pairalin ang pansariling layon kung nagpasya na ang bayan sa kung sino ang nais. Isantabi ang lahat para sa kinabukasan ng bayan at salinlahi. Ang tanggapin ang resulta sa malinis na halalan ang pinaka matamis na ambag ng mga politiko lalo’t ang nais ang pagbangon ng bansa..

Maraming Salamat po!!!