Advertisers

Advertisers

Marco naisahan at pinaiyak si Donnalyn

0 256

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ISANG prangkter ang role ni Marco Gumabao sa horror movie na “Rooftop” na palabas na sa mga sinehan.
Ayon sa aktor, aminado naman siyang nakapag-prank na siya sa ibang tao.
Nangyari raw ito nang sumalang siya sa one million pool challenge ni Donnalyn Bartolome na nai-feature sa vlog ng huli.
Pero klinaro niya na sa halip na siya ang naisahan ni Donnalyn sa pakulo nito ay siya itong nakaisa sa nasabing actress-vlogger.
Sa kontrobersyal na challenge kasi mananalo ng isang milyon ang sinumang kalahok na tatagal sa pool na nilagyan ng mga insekto tulad ng ipis, palaka at iba pang gumagapang na mga hayop sa pinakamahabang oras.
Sa halip, siya raw itong pinagtripan ng prank si Donnalyn.
Hindi lang daw na-reveal agad ang lahat dahil hinati sa tatlong bahagi ang vlog nang ipalabas ito.
Ang pagwa-walk out at pagrereklamo raw nila sa pabagu-bagong rules ni Donnalyn ay bahagi raw ng napag-usapan nila ng Donekla.
Aware raw kasi silang posible silang i-prank ni Donnalyn kaya inunahan na nila ito.
Ang siste lang, iyon daw nakapanood ng unang bahagi ng vlog ay nagkaroon ng impresyon na sila ang kontrabida.
Gayunpaman, natutuwa naman siya dahil na-redeem nila ang sarili sa huli at naging successful ang prank nila kay Donnalyn na kanilang pinaiyak dahil sa kanilang pag-a-attitude kuno.
Si Marco ay isa sa mga bida ng pelikulang Rooftop na ginagampanan niya ang papel ng selosong boyfriend ni Ryza Cenon.
Kuwento ito ng isang barkadahan na napahamak dahil sa pagpra-prank nila sa isang outsider na humantong na pagkamatay nito.
Mula sa produksyon ng Viva Films at sa direksyon ng acclaimed director na si Yam Laranas, ang Rooftop ay palabas na sa SM Cinemas.