Advertisers

Advertisers

ANG LINGGO NA LANG

0 294

Advertisers

“IT’S overwhelmingly PINK everywhere in the country. The majority have spoken. The preconditioning and psy-war isn’t gonna work this time. We’re done with that…” Iyan ang poste ni rock jock Jaime Lontoc sa social media. Opo, mga kabagang, pitong araw na lang at tutungo ang madla sa kani-kanilang presinto upang itatak ang kanilang napupusuan sa kanilang balota.

Pitong araw na lang ang nalalabi kay puspusan ang kampanya lalo na para sa mga tumatakbo sa lokal na pwesto. Tunay na masaya ang halalan sa Pilipinas.

Subalit may hindi dapat nangyari sa Comelec dahil sunod-sunod ang isyu na hinaharap nito. Umpisahan natin sa mga opisyal nito sa pangunguna ni Commissioner Rey Bulay na nagbabala na ipahuhuli niya sa AFP ang sinumang nagkomentaryo laban sa ahensya. Mabigat ito at hindi umani ng paborableng reaksyon. Nagpaliwanag si Bulay sa na biktima siya dahil naging at wala sa konteksto ang babala niya. Sinisi niya ang media.



Ngayon nakikipagsagutan siya kay Comelec spokesman James Jimenez at aniya niya dapat tanggalin ito sa pwesto dahil sa nangyaring kapalpakan sa Presidential Debates. Bukod kay Jimenez ipinatatanggal ni Bulay si director Frances Arabe ng Education and Information Division. Maliwanag na paglabag sa Fair Elections Act. Ayon sa Section 16,a dapat magkaroon ng talong (3) national debates para sa mga presidential candidates. Hindi pwedeng baguhin ito o palitan ng format. Kapag ginawa nila ito may paglabag ito sa batas.

Matatandaan na umurong ang Hotel Sofitel na mag-host ng Presidential Debates dahil hindi ito natuloy ang pangatlo at huling Presidential Debate at binuo ang task force sa pamumuno ni Commissioner Bulay upang imbestigahan ang fiasco.

Ang masasabi ko, lang una, kay Commissioner Rey Bulay, ang babala ay babala, at walang ibang interpretasyon dito. Hindi mo pwedeng diktahan ang magiging opinyon ninuman dahil ang madla na nagbigay ng ganoong opinyon ang pinaka amo mo. Kaya bawasan ang pagiging balat-sibuyas at bawas ng konti ng angas.

At kay director James Jimenez at Francis Arabe, dumami ang mga isyu na hindi ninyo nasuheto. Tandaan ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na ang mata ng madla ay nakatutok sa inyong ahensya. Hindi ninyo maalis sa tao ang magduda sa integridad ng Comelec. Isa na ako sa mga nagdududa sa inyo. Pangamba ko na hindi niyo masusuheto ang eleksyon at baka magkakagulo dahil sa kakulangan ninyong kontrol. Sagot ko kay Commissioner Rey Bulay: Hindi ako nagbabanta at paalala lang po ito. Pero kung nasaktan ang damdamin mo, e di ipakulong mo ako.

***



May kasabihan na kapag ang mangga’y mayabong, sadyang binabato. Ito ang dinadas ni Konsehal Enzo Oreta ng Malabon City sa walang tigil na paninira sas kanya ng kampo ni Jeannie Sandova. Magkalaban sila sa pagka-mayor ng naturang siyudad. Kamakailan, may nagsampa ng reklamo laban kay Oreta sa paglalayong malito ng mga botante ng Malabon City. Ipinakakalat umano ang tsismis na disqualified si Oreta sa pagtatakbo bilang alkalde at may pending na kaso ito sa Offfice of the Ombudsman. Kabulaanan ito. Ito ay gawa ng kampo ni Jeannie Sandoval. Base ito sa lamang sa ebidensya na gawa-gawa nila. Malungkot isipin dahil may mga matitigas ang panga na katulad ni Jeannie Sandoval na gagamit ng maruming taktika para pilit isubo sa mga taga-Malabon City. Nakakalungkot dahil tingin niya sa mga tao ay madaling utuin. Patuloy ang pangunguna ni Enzo Oreta sa survey. Nangangako siya na hindi titigil sa mga mabuting gawain at hindi kailanman magpapa-epekto sa nagpapakalat ng mga malisyosong balita tungkol sa kanya. Sa mga mamamayan ng Malabon: Maging maingat sa pulitika ngayong eleksyon. Maging maingat sa tangka ng mga katulad ni Jeanine Sandoval at mga kasapakat niya na lansihin ang inyong boto.

Samantala, viral ngayon sa Lungsod ang isang larawan ng kalaban nito sa pagka-alkalde na si Jeannie Sandoval at asawa na si Rep. Ricky Sandoval na gumagamit ng mini-bus ng DOH sa pangangampanya. Paglabag ito sa Omnibus Election Code, partikular ang Article 22 Section 261. Pwede silang ihabla, at ma-disqualify.

Sinampahan ng isang malakas ng kaso ng disqualification sa Comelec si Malabon City mayoral candidate Jeannie Sandoval. Ito ay matapos nakuhanan ng larawan ang naturang kandidato sa gilid ng isang government bus ng Department of Health (DOH) na may #Kakampi na nakapinta sa harapan nito. Ang naturang hashtag ay campaign slogan ni Sandoval at ginamit din umano ang parehong DoH bus para sa isang campaign activity sa Barangay Catmon ng naturang lungsod noong April 20, 2022.

Sinabi sa kaso na may personal na kaalaman ang witness na namimigay umano si Jeannie Sandoval ng isang libong piso sa mga botante ng Malabon City kapalit ng pagboto sa kanya. Ginagawa ito ni Sandoval sa karatig Navotas City kung saan dating natalo na ang asawa nitong si Ricky Sandoval bilang mayor noong 2007.

Ang mga naturang gawain ay election offense sa Section 261 ng Omnibus Election Code na nagbabawal sa paggamit ng anumang sasakyan ng gobyerno para sa pangangampanya ng isang kandidato at pamimili ng boto. Parehong maaaring magresulta sa disqualification. Kitang-kita ang ebidensya sa larawan na isinama sa pagsasampa ng kaso ni Diane Bautista na isang residente sa Malabon City.

Matatandaan na si Jeannie Sandoval ay dating vice-mayor ng Malabon City na nilampaso ng kasalukuyang alkalde Lenlen Oreta noong nakaraang lokal na halalan. Isang mala-Rectong reklamo ang naimbento ng kampo ni Jeannie Sandoval. Matapos gumawa ng tatlong reklamo sa Ombudsman sa loob ng dalawang buwan laban kay Malabon Mayor Lenlen Oreta, na kalaunan ay ibinasura, ngayon naman, direktang pinuntirya na ang kanyang mismomg katunggali na si Konsehal Enzo Oreta sa isang reklamo ng disqualification sa COMELEC.

Hindi na natin pa bibigyang detalye ang naturang reklamo, at sapantaha ko nakalaan na ito sa wastebasket, dahil ayon sa mga nakausap naming mga election lawyer, ay basura at walang matibay na ebidensya ang naturang isinampang disqualification. Pero malinaw na ang pakay ng pagsasampa ay para ipakalat ito, ilang araw bago o sa mismong araw ng halalan para maging disqualified ang nangungunang kandidato sa pagka-alkalde ng bayan ng Malabon na si Konsehal Enzo Oreta. Ang pinagmula ng black propaganda na ito ay sa kailaliman ng lungga ng mga Sandoval. Plano nilang ang pahinain ang kandidatura ni Enzo Oreta, upang tuluyang wag siya iboto ng mga taga-Malabon.

Pumapasok tuloy sa isip ko ang taktika ni Dick Dastardly ng Wacky Races, ang gawain na ito. Namamangha ako at nagtataka kung saan humuhugit ng tigas mg mukha ang isang desperadong kandidato tulad ni Jeannie Sandoval; matapos ito ilampaso ng humigit-kumulang na 45,000 boto ni Mayor Lenlen Oreta noong nakaraang eleksyon. Sa style na bulok na ito, mukhang sa kangkungan na naman pupulutin si Jeannie. At matutulad siya kay Dick Dastardly na masasabugan ng dinamitang siya rin ang nagsindi. Maliwanag na pambababoy ang ginagawa ni Sandoval sa katinuan ng mga taga-Malabon City. Binabastos niya ang mismong mamamayan ng Malabon. Halatang obvious ang pakay ni Jeannie Sandoval para ma-abante ang makasariling agenda. Ang aming panawagan: Huwag maniwala sa black propaganda na disqualified na ang numero unong kandidato para mayor na si Enzo Oreta. Ito ay isang malaking kasinungalingan bunga ng isang pag-iisip na pansarili lamang. Ang masasabi ko lang kay Dick Dastardly ay STYLE MO BULOK NA SING BULOK NG IPAPAIRAL MONG POLITIKA.

At kung tinulak siya ng kapwa niya, at manalo, asahan ng kawawang taga Malabon City ang pagyabong ng pamahalaang trapo sa ilalim ni Sandoval. Kaya sa salita ni Marcelo H. Del Pilar, KAIINGAT KAYO.

Isang linggo na lang mga kababayan. Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.

***

mackoyv@gmail.com