Advertisers
Progresibo’t puno ng inspirasyon ang landas na nilakbay ng Tropang MarSo sa pangunguna ng Philippine Transport Monitor (PilTram) dahil naging maalab at wagas na pagtanggap ang ipinakita ng taumbayan sa kanila sa buong Norte na sinuyod nila ng limang (5) araw para mailatag ang plataporma ng tambalang patok.
Ito ay walang iba kundi ang tambalang MarSo nina leading presidential candidate Bongbong Marcos at Senate President Tito Sotto para bise presidente na isinusulong ng PhilTram kalakip ang puntiryang masungkit ng dalawa ang pinakamataas na posisyon elektoral sa bansa pagsapit ng national at lokal na eleksiyon sa Mayo 9, 2022.
Huling ariba ng tropa nitong Linggo ay sa kapatagan pababa ng La Union, at Pangasinan makaraan ang mahabang paglalakbay mula sa mga makasaysayang lugar sa Vigan, Sarrat, Batac, Laoag City, Candon, Ilocos Sur, Pagudpud, Ilocos Norte, hanggang sa dulo ng Norte sa Aparri.
Gayupaman ang mga naunang probinsiya’t siyudad, ay ginalugad din ng tropa ang probinsya ng Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Isabela, Cagayan, at Tuguegarao City at sa marami pang mga lunan kung saan lahat ng mamamayan ay may ngiting pasalubong at pagtanggap sa isinusulong ng tropang MarSo.
Bagama’t may malimit silang katanungan na “kung bakit ngayon lang kayo?” ay unti-unti rin naman nilang nauunawaan ang mga paliwanag ng grupo ni PhiTram national chairman Aio Bautista at kalauna’y maluwag na pagtanggap sa MarSo para sa darating na halalan.
Ang pinakahuling binaybay ng masigasig na tropang Philtram ay ang mga bayan-bayan ng Agoo, La Union; at Villasis,Pangasinan kung saan pinagkaguluhan ang grupo sa dami ng gustong humingi ng mga MarSo flyers, tarpaulin, at mga banderitas.
Ang iba naman ay namilit pang makipag-selfie sa mga kababayang pawang sabik sa pagsulong ng MarSo. Isa pa ritong nagpadagdag sa kanilang “connection” ay ang katotohanang kinikilala nilang ang kanilang “Apo Lakay” na si Bongbong Marcos, na itinuturing na tunay na lider ng Norte.
Mula sa Villasis, ginalugad din ng tropa ang siyudad ng Dagupan na nagsilbing turning point pabalik sa orihinal na destinasyon sa Quezon City, Metro Manila.
Nagsimulang parang ugong sa kalawakan, nagkaroon ng hugis ang tambalang MarSo dulot na rin ng magkaparehong pananaw at plataporma na isinusulong nina Marcos at Sotto sa kabila ng magkaiba ng partidong politikal.
Ang pagkakaisa at pagbabago, tamang polisiyang pangkalusugan at ekonomiya, mawakasan ang paghihirap at gutom at pantay na trato sa bawat Pilipino ang nagsilbing gabay ng perpektong tambalan ayon sa PhilTram.
“Di namin malilimutan ang karanasang ito, ibang klase talaga kapag taumbayan na ang nagpupursigi at kusang lumalapit para humingi ng mabuting balita at napapatanaw sa swabeng tunog ng “MarSo jingle” pagyayabang pa ni Bautista.
Unang nagpakitang-pansin ang grupong MarSo nang maispatan ang tropa nila ng Maharlika TV News team ang isang lalaki na nagsasabit ng MarSo tarp sa isang tindahan sa San Mateo at sa Montalban, Rizal.
Nasundan ito ng makulay na motorcade kasama ang grupo ng mga tricycle drivers at riders na bumuntot sa lead car ng MarSo noong nakalipas na Miyerkules, 27 April 2022, eksaktong araw na tumulak pa-Norte ang tropa.
Maliban sa motorcade ng MarSo sa Montalban, naglunsad din ito ng kawangis na aktibidad sa malalaking lungsod ng Sto. Tomas at Tanauan sa probinsya ng Batangas.
Maging sa Novaliches, Quezon City, ay naispatan din ng MTV News na may mga naging pagkilos din ng postering, at flyering ang tropang MarSo na kinalaunan ay opisyal na humarap sa media sa pamamagitan ng isang press conference.
“Talagang itong tandem ng Marcos-Sotto ang iboboto ko, at maligaya kami ditong mga drayber at kung sila ang mananalo alam namin hindi nila pababayaan ang aming hanay na maituturing rin kaming frontliners ng bayan,” litanya ng mamang dryaber na pinaka senyor sa kanilang grupo.
Matapos ang pasiklab ng MarSo sa ibaba, parang kabute ring nilusob ang sosyal medya at tuluyan na ngang nag-viral na inulan ng mga papuri’t positibong reaksyon ng netizens.
Nakarating din ang maugong na balita sa isinusulong ng PhilTram kay Nationalist People’s Coalition vice presidential candidate Tito Sen at nagpahayag ito ng pasasalamat sabay sabing “kung anong makakatulong sa ating ikakapanalo ay welcome po. Salamat.”
Sa kabuuan, ang arangkada ng PhilTram sa pagsusulong ng MarSo ay naging plantsado magmula sa social media, ere sa radyo at pati na sa mga mainstream media at sa mga batikang kolumnista at mga komentarista ng radio para sa paghahayag ng impormasyon ng MarSo na anila’y perfect combo na tandem.
Sa maiksing panahon ng kanilang arangakada, ay lubos na umaasa ang tropang PhilTram na maging matagumpay sa darating na halalan ang tambalang MarSo na suportado rin ng mga grupong hindi lamang ng transportasyon kundi pati na rin ng religious sector, pribadong negosyo at iba pa.