Advertisers

Advertisers

Michelle tanggap ang pagkatalo sa Miss U; Baron natupad ang pangarap na makatapos ng studies

0 239

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MATINDI ang naging sakripisyo ni Michelle Dee para lang masungkit ang titulong Miss Universe Philippines na dinaos kamakailan lang, na ang kandidata mula sa Pasay City na si Celeste Cortesi ang nakakuha ng title bilang Miss Universe Philippines.
Simula pa lamang ng taon ay nagsimula nang mag-training at mag-workshop si Michelle, to the point na naglie-low siya sa showbiz career niya at nag-focus sa kanyang pagsasanay.
Sa pageant night, si Michelle at si Celeste ang last 2 women standing na inabot pa halos ng 1 minuto na nakatayo ang dalawa bago pa man i-anunsyo ang winner.
At sa huli, si Celeste ang nanalo samantalang naging Miss Universe Philippines Tourism naman si Michelle.
Game na tinanggap ni Michelle ang kanyang pagkatalo kahit pa sabihin na matindi ang paghahangad niyang sa kanya mapunta ang koronal. At para ipakita ang kanyang suporta sa winner ay nagpost si Michelle sa kanyang socmed account ng congratulatory quote kay Celeste na nakakabit ito sa isang larawan na nakatayo at hawak kamay sila habang hinihintay ang announcement ng winner.
“I have always believed that everything in life happens for a reason. As @celeste_cortesi and I gave our all to win the crown, in the end we always knew only one of us would win.
“No one can take her destiny away from her because she is queen well-deserved and a true friend for that matter as well. Glad to have shared this moment with you just like we manifested,” say ni Michelle.
***
NITONG nakaraang April 25 ay isa si Baron Geisler sa grumadweyt sa kolehiyo ng kursong Bachelor of Arts major in Theology sa All Nations College sa Antipolo City. As in may diploma na siya sa pag-aaral hinggil sa bibliya at mga salita ng Diyos.
Right after ng kanyang graduation ay balik promo si Baron sa bagong movie na nagawa niya, ang “Pusoy” simula May 27 sa Vivamax, sa pangunguna nina Angela Khang, Vince Rillon at Janelle Tee ay papel ng isang gambling lord ang ginampanan ni Baron kahit pa raw wala siyang alam sa sugal.
“I play a gambling lord here but in real life, wala akong alam sa gambling. So they have to get a hand double for me for the scenes that I’m shown shuffling, dealing cards,” say ni Garon.
Magkagayunpaman, inamin ni Baron na may isa siyang malaking sugal na pinustahan sa tunay na buhay at pinanalunan, ito ay ang pagbalik niya sa pag-aaral.
“Taking that chance to study again back in 2019, nag-aral, and after three and a half year, close to four, ay nakatuntong po ako sa entablado, nakapag-martsa, at naka-graduate po ako nu’ng April 25. I’m very, very grateful na may degree na po ako! Yahoo! Hahaha! Pangarap ito,” dagdag pang say ni Baron.