Carla Abellana nagtapat, lolo biktima ng Martial law; Sharon never iniwan si Bongbong kahit maka-Leni
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA IG post ng pinsan ni Carla Abellana na si Sam, isinaad nito na huwag sayangin ang pagkakataon na minsan lang dumating, ang Gobyernong Tapat
May pa hashtag pa na #Kay Leni tayo at #Let Leni lead.
Sa IG post ni Carla, inamin nito at isiniwalat na biktima rin ng Martial Law ang kanyang lolo dahil sa lupain.
Nung panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay na-detained ang lolo ni Carla dahil sa usaping kalupaan.
Nung panahon nga raw noon ng Martial Law ng tatay ni BBM ay naging biktima ang kanyang lolo.
Gusto naman daw kasi kamkamin ng mga Marcos ang 25 hectares ng kanyang lolo.
May bad memories nga ang pamilya sa rehimeng Marcos dahil kung bakit Gobyernong Tapat ni VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan naman ang sinusuportahan ng Kapuso actress.
Ano naman kaya ang masasabi ng kampo ng mga Marcos sa pagsisiwalat ni Carla nung kaganapan ng Martial Law na ang kanyang lolo ay isa lang sa mga naging biktima ng rehimeng Marcos noon.
***
Sharon never iniwan si Bongbong at mananatiling kaibigan
HINDI man close as magkaibigan sina Sharon Cuneta at Bongbong Marcos ay never naman daw niya ito iniwan.
Paglilinaw ni Sharon na talagang di niya iniwan sina Bongbong noong may pinagdadaanan ang kanilang pamilya.
Ibinahagi naman ni Sharon sa kanyang rally nung mag-speech ito ng LeniKiko people campaign sa Laguna.
Kahit si Sara Duterte nga ay na-meet niya nung 9 years old ito.
At natuwa pa nga si Sharon dahil isang certified Sharonian si Inday.
Wish nga ni Sharon na after ng halalan ay magkakaibigan pa rin sila.
Dahil matagal na niya itong mga kakilala sana nga raw after eleksyon ay magkakaibigan pa rin sila.
Hanggang sa huling kampanya ng team LeniKiko ay suportado ni Sharon dahil solid KakamPink nga ito. Well, well, well…’Yun na!