Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
ISA sa birthday wishes ni Kim Chiu ay makabalik na sa pag-arte. Year 2020 ang huling serye niya na Love Thy Woman kaya miss na miss na raw niya ang pag-arte sa harap ng camera.
“Na-miss ko ang umarte, Gusto ko talaga. Hopefully soon this year or next year, bumalik ako sa pag-arte kasi yun talaga ang first love ko.” pahayag ni Kim sa panayaw sa kanya ng Inside News ng Star Magic.
“Of course, I am thankful na nabigyan ako ng opportunity na mag-host sa It`s Showtime. Nakahanap ako ng bagong pamilya kaya sobrang thankful ako na kahit anuman ang nangyari sa ABS, nabibigyan pa rin ako ng project na ipinagkakatiwala ng ABS sa akin,” patuloy pa niya.
Isa pa sa hinihiling niya ay maging matibay pa siya para harapin ang mga ibinabato sa kanya.
“Sana mas maging matibay pa ako more. Kasi ang daming nangyayari, eh. Ang daming mga bumabatong kung anu-ano.
***
BALIK-studio ng 24 Oras si Iya Villania para sa Chika MInutes, pero sabi ni Mel Tiangco na hindi rin magtatagal na makakasama nila si Iya dahil malapit na itong manganak kaya pansamantalang mawawala ulit ito sa show.
Ang maganda kay Iya. madaling mabuntis at mabilis din manganak, kaya mabilis din ang recovery. Naturuan ni Vicky Morales si Iya kung paano itago ang kanyang baby bump, kaya hindi masyadong takaw–pansin ang kanyang malaking tiyan.
Nag-trending ang pinost niyang photo sa Instagram na naka-swimsuit siya na tinawag niyang Maternity Shoot daw.
“For those of you who know me, I`m quite conservative so to see me in a swimsuit must mean I`m confident and for some reason, it`s when I`m pregnant that I feel my sexiest and most confident , Not long before we meet the little man inside my belly, 6 more weeks!!! #Arellano4ComingVerySoon.”
Di naman nakapagpigil si Drew mag-comment ng, “ Bahala ka! Mabubuntis ka na naman nyan, eh!” na agad sinagot ni Iya ng, “Talaga lang ha?? Sure ka??” na ikinasaya naman ng mga nakabasa.