Advertisers

Advertisers

UP winalis ang UE

0 335

Advertisers

UMISKOR si Alyssa Bertolano ng huling four points para ibigay sa University of the Philippines ang 25-19,25-23,25-23, wagi laban sa University of the East Huwebes sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena.

Ang rookie opposite spiker ay nagdeliver ng 20 points, 18 attacks an ace, at block para pamunuan ang opensiba ng Fighting Maroons hanggang sa huli.

Si Bertolano ay kahanga-hanga sa third set para sa UP nang iahon ang Diliman side mula sa 21-all deadlock at ihatid sa kanilang unang tagumpay sa season.



“It’s nice to be back,” Wika ni coach Godfrey Okumu. “The players did well but you could see we’re still a work in progress.”Irah Jaboneta nagtala ng 13 markers off attacks,habang si Lorie Bernardo at Jewel Encarnacion nag-ambag ng tig- anim na puntos.

Janine Lana umiskor ng 16 points para sa UE, Apple Limgay 12 points.