Advertisers
NAGBABALA kahapon ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF- ELCAC) sa mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak na ngayon ay target ng mga komunistang-teroristang Communists Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na isama sa kanilang mga rally.
Sa espesyal na edisyon ng NTF-ELCAC na pulong balitaan, sinabi ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo, na may mga nakalap silang ‘intelligence reports’ na ang mga rally ay inoorganisa ng CPP-NPA-NDF para maghasik ng kahulugan sa pagkaka-boto sa bagong liderato nila Bong Bong Marcos at Sara Duterte.
“Ang layunin ng mga komunistang-terorista ay magkaroon ng ‘crisis situation’s’ na mapagtagumpayan nila,” paliwanag ni Monteagudo.
Kanya rin binalaan ang kampo ni Vice President Leni Robredo na huwag magpagamit sa CPP-NPA-NDF na inutusan ng kanilang founder na si Jose Maria “Joma” Sison sa pamamagitan ng Central Committee ng grupo na magsagawa ng mga rally bilang protesta sa pagkakapanalo ng bagog liderato ng pamahalaan.
Di man tahasang sinasabi na may talagang kinalaman si VP Robredo sa mga rally na nainorganisa ng CPP-NPA-NDF sa mapagpanggap nitong anyo, idinidikit ito sa pagkakatalo ni Robredo.
“Maging si VP Leni ay maaaring magamit, dahil pakiramdam niya ay nadaya siya,” ang sabi pa ni Monteagudo.
Ang delikado aniya, ang plano ng CPP-NPA-NDF na isakripisyo ang mga buhay ng mga kabataang Filipino.
Si NTF-ELCAC acting spokesperson on Legal Affairs, na si Prosecutor 2, Flosemer Chris Gonzales naman ay nagpahayag na resoetuhin na ang bosses ng nakararami o ang “voice of majority” atkailangang magkaisa at magkasundo na ang lahat sa natapos na proseso ng halalan.
Pinaalalahanan din niya ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at huwag hayaang malinlang ng mga nagpapanggap na mga “human rights defenders.”
Nanawagan din si sa mga paaralan at unibersidad na bantayan ang kanilang mga estudyante at ang kanilang mga institusyon na magamit sa mga rally ng mga komunistang-terorista.
Handa ang AFP at PNP
Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) naman ay naghayag ng kanilang kahandaan sa anumang kaguluhang maidudulot ng mga mga rally na nagsimula rin kahapon.
Sinabi ni Police Lt.Gen Vicente Danao Jr., Officer-in-Charge ng PNP na bagamat naging maayos ang halalan sa kabuuuan, ang kapulisan ay naka-antabay at handa pa rin para protektahan ang seguridad ng lahat at ng bansa.
Sa parte naman ng AFP, sinabi ni Col. Ramon Zagala, na kahit may mga naganap na ilan kaguluhan, ang tropa ng pamahalaan ay nakahanda sa anumang kaguluhan na maaaring mahanap bunga ng mga rally ng mga komunistang-terorista.
Si NTF-ELCAC Spokesperson on New Media and Sectoral Concerns, UnderSecretary Lorriene Badoy naman ay hinikayat si VP Robredo na mag”concede” na upang matigil na ang mga balakin ng CPP-NPA-NDF.
“Malaking bagay ito. At huhupa ang posibleng kahulugan,” ang pahayag ni Badoy na pinatutukuyan ay ang “tactical alliance” na ginawa ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng mga front organizations nito gaya ng KABAG (Kabataan, Bayan Muna, ACT-Teachers at Gabriela) Partylist group sa kampo ni Robredo.