Advertisers

Advertisers

Wong nasungkit ang 1st gold sa wushu

0 328

Advertisers

NASUNGKIT ni Agatha Wong ang unang gintong medalya para sa PH wushu team sa women’s taolu tajiijian event ng 31st Southeast Asian Games sa Cau Giay Gymnasium sa Hanoi, Vietnam Linggo.

Ang 23-year-old Wong, na umiskor ng 9.71, ay nagwagi sa manipis na pagitan laban sa home bets runners-up Thi Minh Huyen at Tran Thi Kieu Trang.

Thi Minh ay nasikwat ang silver medal sa iskor na 9.70 Habang si Tran Thi umiskor ng 9.69 para sa host Vietnam.



Wong, na silver medalist sa 2015 World Championship sa Jakarta, ay may pinakamagandang SEA Games stint dito sa Pilipinas noong 2019 kung saan pinagharian ang taijijian at ang taijiquan events.

Ang produkto ng College of St.Benilde ay bronze medalist rin sa 2018 Asian Games sa Jakarta Palembang.