Advertisers
MAGKAISA na para sa pagsulong ng ating bansang Pilipinas tungo sa kapayapaan at prosperidad.
Ito ang sama-samang boses ng ating kababayan na handang tumulong para sa ikauunlad ng bayan kasabay ng panawagan sa mga ilang mamamayan na di pa matanggap ang naging resulta ng matiwasay at patas na lokal at pambansang rleksyon kung saan ay inihalal ng super mayoryang Pilipino ang Uniteam nina PBBM at VPSara.
‘Move on na tayo mga minamahal na kababayan.Oras na ng pagkakaisa matapos ang demokratikong proseso political .Tulungan natin ang bagong administrasyon sa pamamagitan ng unity.Panahon na para iangat ang ating bansang Pilipinas sa liderato nina Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte’,pahayag ni Buklod Bayang Magilas Pilipinas adviser Jesselyn Fernando ng PINOLILINO sa pagtitipon at victory party ng BBM ‘Pinas -1 Maharlika na siyang naging punong-abala na idinaos sa La Mansion sa Palanan, Makati City nitong weekend.
Sinabi naman ng pinuno ng 1 Maharlika na si G.Nestor’Spider Alcala na ang dambuhalang panalo ni BBM ay isang hudyat na ng paparating na magandang buhay para sa Sambayanang Pilipino.” Simula pa lamang ito.Napakatayog ng ekspektasyon ng Pilipino sa ating bagong Pangulo kaya sama-sama tayo sa pagsulong ng ating bansa na sobrang natengga dahil sa labis na pulitika. Nagpasiya na ang higit 31 milyones nating kababayan. Overwhelming ang mensahe kaya panawagan natin sa mga kababayang nasa kabilang panig ng kalsada, makiisa na sa pagsulong at asenso nating mga Pilipino,” mensahe ni Spider Alcala.
Ngayon pa lang ay nagsisimula nang si Buklod president Rafael Tolentino sa mga paghatag ng kapaki-pakinabang na programa tulad ng mg outreach projects na tunay na mkatutulong sa mga kababayang Pilipino in all walks of life.
“We’ll start the ball rolling.Ito naman ang buod ng ating adbokasiya para sa bayan at lalo itong susulong sa bagong administrasyon ni Pres.Bongbong at VP Sara.We will cross the bridge.We are getting there soon”, ani Tolentino.
Nakikinita naman ni Kabuklod Luis Umali ng ang maunlad na Pilipinas at produktibong mamamayan sa aspeto ng agrikultura sa loob na anim na taong termino ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos,Jr….ABANGAN!
Lowcut: Special mention kay Ms Fe Wamil-Bosi Gaspar ng PhilWorld Recruitment Agency diyan sa Malate na sobrang nakatutulong sa ating mga kababayang nais magtrabaho sa ibang bansa.Isa si Ms Fe sa staunch supporter ni BBM- Sara. Shoutout kay Ms MaryAnne Bartolome ng El Mansion sa Makati .Da best ang kanyang menu sa victory party.Bon Appetit!Kudos to lovely ladies Aloha Nollas at Stephanie Sarilla ng Sapang Palay.