Advertisers

Advertisers

Sofi Fermazi feel sundan ang yapak ni Sarah

0 645

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA edad na 17, maituturing na familiar face na sa local tinseltown ang online sensation na si Sofi Fermazi.
Marami na kasi siyang nagawang covers sa YouTube na swak sa panlasa ng netizens.
Kasama sa covers na ginawa niya ang mga awiting pinasikat ng acclaimed at award-winning international at local artists tulad nina Ed Sheran, Cristina Perry, Coldsplay, Adele, Justine Bieber, Moira Dela Torre, Ben and Ben, Zack Tabudlo, Kitchie Nadal, Yeng Constantino at marami pang iba .
Katunayan, may mga nagsasabing audiophiles na minsan ay mas maganda pa ang bersyon niya kesa sa orihinal.
Ngayon, pagkatapos ng kanyang masusing preparasyon, handa na raw siya na gumawa ng pangalan sa local music scene.
“Bata pa po kasi ako, hilig ko na pong kumanta. I had my first composition also at 10,” aniya.
Bagama’t hindi pa sumasali sa singing talent reality shows, naniniwala siyang ang kanyang nag-uumapaw na pagmamahal at talento sa musika ay magiging pasaporte niya sa pagsikat.
“I used to join singing contests in school. Kumakanta rin po ako sa church choir na isa po sa naging training ground ko,” pagbabahagi niya..”Right now, open din po ako to collaborate with my favorite artists,” dugtong niya.
Si Sofi ay produkto rin ng musical workshops ng OPM icon at composer na si Vehnee Saturno.
Hirit pa niya, idol daw niya ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na isang versatile artist.
Dagdag pa niya, interesado rin daw siyang pasukin ang larangan ng pag-arte.
“Priority ko po ang singing but I am not closing doors to acting,” ani Sofi.
Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, gusto niyang makapareha ang kanyang crush na si Donny Pangilinan na para sa kanya ay napaka-wholesome ng image.
Si Sofi ay nakatakdang ilunsad ang kanyang debut album na “Rain Inside Us” na ire-release ng Star Music.
Sa nasabing album, magkakaroon siya ng kolaborasyon sa iba’t ibang ABS-CBN artists.
Si Sofi na pride ng Las Piñas City ay magiging bahagi rin ng “Fun Nights Only,” isang Kumu entertainment show na streaming live tuwing Sabado ng gabi.
Kamakailan, nag-perform din siya sa 2022 Asia Pacific Luminare Awards (for celebrity awardees), na idinaos sa Okada Manila.
Siya rin ang umawit ng Tagalog version ng “Hero” ni Bonnie Tyler, ang jingle song sa kampanya ni Manila Mayor Isko Moreno na nag-viral online.
Si Sofi ay kasama sa pool of talents ng actor, director at film producer na si Perry Escaño under his MPJ Entertainment.