Advertisers

Advertisers

Problema na naman!

0 329

Advertisers

Celtics ang hahamon sa Warriors para sa 2022 NBA Finals. Ika-22 na trip nila ito para sa ika-18 na korona.

Buong laro ng Game 7 sa Boston ay lamang sila.

Pero may tense na mga sandali sa huling isang munuto ng laban. Paano’y muntik pa silang masilat nang naibaba ang kalamangan umabot sa 17 sa dos puntos na lang. Kung naipasok ni Jimmy Butler ang tres ay naungusan pa sila sana.



Masuwerte pa sina Jayson Tatum sa malas ng Heat. Hindi nasayang ang husay nila sa buong sagupaan.

Matinding depensa at opensa ang ipinakita ng mga bata ni Coach Ime Udoka. Nabura nila ang mga shooter sa labas ni Coach Erik Spoelstra kahit pinasok niya na si Tyler Herro.

Unang pagkakataon naman ng combi nina Taytum at Jaylen Brown makarating sa dulo. Malalaman natin kung hinog na ang dalawa.

***

Lumitaw na naman ang problema ng PBA sa dalawang kontrata umiiral. Yung isa ang internal at ang pangalawa ang isinasubmit sa Commissioner’s Office. Siyempre ang ikalawa ay ang legal at kumporme sa itinakda ng liga kabilang ang maximum na sweldo.



Yung una may sky is the limit sa kita ng player. P420,000 na ang sagad na sahod dapat.

Nagkakaproblema kapag na-trade ang player at ang gusto i-honor o ang gawing basis ng extension ng bagong team ay ang mas mababa.

Noon nangyari yan kay Pido Jarencio, ngayon naman kay Greg Slaughter. Hala kailan kaya ito mareresolba?

***

Yun ding suliranin ng Gilas bumabalik lang sa dati. Original na konsepto ay magkaroon ng regular na pambansang koponan.

Sinagot nito ang sitwasyon na magcracraming tayo kapag malapit na ang mga international na mga torneo. Kaso nahirapan naman tayo na all -amateur kaya nang lumaon dinagdagan ng mga pro kahit last minute na addition lang,

Ang hirap kasing balansihin ang interes ng bansa at ng PBA. Tapos pati ang UAAP at NCAA mahigpit na rin sa pagpapahiram ng mga manlalaro.

Hangga’t hindi natin pinapapaboran ang Pilipinas kaysa mga club team ay hindi talaga tayo magtatagumpay kahit anong programa at mga klase ng tao na ilagay. Eka nga ni Pepeng Kirat bakit nagkakaganito eh Pinoy naman tayo lahat. Tama!