Advertisers

Advertisers

Jak at Sanya iniyakan nang sobra ang pagkamatay ng alagang aso

0 333

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SA tanong kay Jak Roberto na “Would you rather know the future or change a mistake that you did in the past”, ang sagot niya ay…
“Alam mo recently lang naisip ko yan kasi nga one of our dogs died nung isang araw and grabe ang sakit! Na ngayon pag naaalala ko nalulungkot pa rin ako.
“Si Sanya grabe iyak nung namatay yung dog namin. So yung tanong na yan… ako kasi yung nakakakita sa pet namin na yun and ako yung nakapansin na matamlay.
“Tapos ako din yung nagdala sa vet namin nung time na yun, nadala namin pala, so dinala ko yung isa kong dog pag-uwi ko. Nakita ko matamlay yung si Jongjong, yung dog nga ni Sanya, dinala sa vet, inoperahan tapos…”
Hindi na natapos ni Jak ang kanyang sasabihin dahil nagpipigil na siyang umiyak.
“Anyway,” pagpapatuloy ni Jak, “kung maibabalik ko yung pagkakataon kasi ang nangyari ang naging cause nung pagkamatay nung dog namin na yun is nakakain ng foreign object, nakakain ng tali na hindi na niya mailabas and namamaga na yung bituka niya.
“Kaya kailangang putulin or alisin yung bituka niya e malaking part ng intestine niya yung tinanggal so hindi kinaya nung dog, yung recovery.
“Wala, walang choice e, kasi ginawa naming lahat yung kailangan naming gawin, pati yung vet namin kaya lang hindi na talagang kaya, nasa recovery na nung dog namin, e.”
Sa puntong ito ay muling nahinto si Jak sa pagsasalita dahil sa pagpipigil na umiyak.
“Sorrry, kapag napag-uusapan kasi, e. Kung maibabalik ko yung pagkakataon na… aalisin ko yung naging cause nung pagkamatay nung dog namin, yung tali, ia-avoid ko yun sa bahay, talagang babantayan ko silang lahat 24 hours para walang makain na kung ano.
“So ayun guys, sana maging aware din kasyo sa, lalo na yung fur parents diyan, sa mga dogs nyo na bantayan talaga tsaka maglinis sa bahay, na wala silang makain na ikaka-stomach upset nila or magiging cause para operahan or mangyari kagaya ng nangyari sa dog namin,” malungkot pa rin na pahayag ni Jak.
On a lighter note, kapwa abala sa showbiz career nila sina Jak at younger sister niyang Sanya sa GMA; nagsimula na sa pag-ere ang Bolera nina Jak, Rayver Cruz at Kylie Padilla samantalang patuloy na nangunguna sa ratings game ang First Lady ni Sanya at Gabby Concepcion.
***
DALAWAMPUNG taon na sa larangan ng musika si Jonathan Manalo (na tinaguriang Mr. Music) bilang isang songwriter.
Ang pinakaunang kantang likha niya na officially- released ay noong sumali siya sa Himig Handog Sa Makabagong Kabataan ng ABS-CBN noong 2001.
“Fresh graduate lang ako noon, iyon yung year na nagkaroon ng EDSA Dos so ang ginawa ng ABS, ang theme ng Himig Handog, ginawa nilang para sa kabataan.
“So sinubmit ko dun yung song ko na Tara Tena and to cut the long story short amateur man ako iyon yung naging grand prize winner nung time na yun ng Himig!”
Ang naging interpreter ng naturang kanta ay sina Kyla, ang vocal group ni Maestro Ryan Cayabyab na Kaya at ang grupo ni Jonathan na V3.
“So para siyang ensemble ng kabataan na kumakanta at nagra-rally for the youth.”
Humigit-kumulang sa tatlong daang kanta na ang sinulat ni Jonathan na na-release at ilan sa mga ito ay theme ng Pinoy Big Brother na “Pinoy Ako”; “Ililigtas Ka Niya” ni Gary Valenciano; “Para Lang Sa’ Yo” ni Aiza Seguerra; “Kabataang Pinoy” ng Itchyworms; “Paano Ba Ang Magmahal” nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual; at “Patuloy Ang Pangarap” ni Angeline Quinto.
“Pero marami rin pong nasa baul na hindi nare-record,” nakangiting pahayag ni Jonathan na nakapanayam namin nitong May 16 sa ABBA Café, Academy of Rock (sa #19 Scout Borromeo) kung saan isa rin si Jonathan sa mga may-ari kasama nina Enchong Dee, Joshua Garcia, ang Singaporean businesswoman na si Priscila Teo-Lim, ang Artist On A Mission na si Kristine Lim, ang record producer na si Rox Santos, at negosyanteng si Junior Gan.
Pinakamatagumpay na awiting likha ni Jonathan na maituturing ay ang Pinoy Ako ng PBB.
“Naging anthem na siya e, tapos kahit na hindi PBB nagagamit siya, nagagamit sa Olympics, sa SEA Games, nagagamit siya everytime na may Pinoy Pride na magiging proud tayo na maging Pilipino.
“Tsaka kinakanta ng lahat ng ages, kahit foreigner alam yung kanta, nakikita ko sa Youtube, mga foreigners familiar sila dun sa song.”
Taong 2021 ay pinarangalan si Jonathan ng National Commission for Culture and the Arts bilang isa sa Ten Outstanding Music Artists sa nakaraang dekada.
Nakapag-produce at nakapag-release na ng higit sa dalawang daang albums para sa sari-saring artists sa Pilipinas at may pitumpu’t limang multi-platinum at isandaang Gold PARI Certifications.
Nakatrabaho na ni Jonathan ang ilan sa pinakamahuhusay at kilalang artists sa Pilipinas tulad nina Erik Santos, Kyla, Charice, Piolo Pascual, Juris, Toni Gonzaga, Jed Madela, KZ Tandingan, Inigo Pascual, Yeng Constantino, at Moira De La Torre.
Nakapag-produce na rin si Mr. Music ng mahigit sa isang daang TV & movie soundtracks at theme songs, ang pinaka-recent ay ang theme song ng seryeng “He’s Into Her” na inawit ng BGYO at pinarangalan bilang Best National Song ng Asian Academy Creative Awards.