Advertisers

Advertisers

Upang bigyan daan ang finishing touches; New Manila Zoo sarado muna

0 230

Advertisers

SARADO muna pansamantala ang New Manila Zoo upang bigyang daan ang finishing touches para sa nalalapit na pormal na pagbubukas nito.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na natutuwa siya dahil liboo-libo na ang nakasilip sa bagong zoo kung saan iniulat ni Pio Morabe, director ng bagong zoo na may mga araw kung saan umabot ng 10,000 hanggang 15,000 ang bumisita dito sa loob lamang ng isang araw.

Matatandaan na buhat noong soft opening nito noong December, ang zoo ay ginamit ng city government bilang karagdagang lugar para sa bakunahan ng mga batang edad lima hanggang 17.



Dahil dito ay pinayagan ni Moreno ang miyembro ng pamilya ng magpapabakuna na samahan ang kanilang anak at tuloy makapamasyal na rin sa loob ng bagong zoo dahil wala pa itong bayad.

Ang bagong zoo ay binuksan din ni Moreno sa publiko nang libre at nanawagan pa ang alkalde na samantalahin ang pagbisita sa publiko habang wala pa itong entrance fee.

Ito rin ang dahilan kung bakit dinagsa ng napakaraming tao ang bagong zoo sa kabila na hindi pa kumpleto ang mga hayup na nandirito.

Ipinagmamalaki ni Moreno ang bagong zoo dahil sa first-class glass enclosures at facilities nito na nagbibigay ng pagkakataon na makita ang mga hayup nang malapitan at aakalain mo na ikaw ay nasa ibang bansa.

Sa kasalukuyan ang zoo ay mayroong kinagigiliwang elepante na si ‘Mali’ at ito ay ilang dekada na. Mayroon ding mga unggoy, mga reptiles, mga ibon at iba’t-ibang klase ng mga isda. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">