Advertisers

Advertisers

Kim Domingo piniling mamahinga muna sa showbiz noong pandemya

0 323

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

CHOICE ni Kim Domingo na ‘mamahinga’ na muna sa showbiz nang lumaganap ang pandemya sa buong mundo. Kung kaya ganun na lang ang labis na kaligayahan ang nadama ni Kim nang mapili siya sa isa sa pumirma sa Signed For Stardom event ng Sparkle GMA Artist Center.
“Dumating ako sa point na medyo naglay-low ako sa showbiz lalo na nung pandemic. Nag-stop talaga ako, hindi kasi ako nagte-taping sa labas. Medyo may takot ako that time. Ngayon, ready na ready na ako. This year sabi ko eager na eager talaga ako mag-work. Very excited ako,” ang say ni Kim.
Bilang panimulang proyekto ni Kim sa kanyang pagiging Sparkle talent ay napasama siya sa pinakalamaking serye ngayon taon ng GMA 7, ang “Start Up’” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo. Nakakailang taping days na rin naman si Bea sa naturang serye at masaya niyang binahagi ang natuklasan sa tunay na pagkatao ni Alden.
“Lagi siyang nagjo-joke sa set, masaya. First time ko rin siyang makitang ganun kasi before akala ko seryoso, ganyan. Tapos noong nandoon na kami lagi siyang nagpapatawa. May side rin palang kalog si Alden na ngayon ko lang na-discover,” ang/ dagdag na say pa ni Kim.
***
PELIKULAYA: PANTAY-PANTAY, IBA’T IBANG KULAY
IN celebration of Pride Month ngayon buwan ng June, buong pagmamalaking inihayag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang mga kalahok sa second edition ng Pelikulaya: International LGBTQIA+ Film Festival ngayon Hunyo 10 hanggang 26 and it will be an online-onsite hybrid format. Ang naturang LGBTQIA+ filmfest this year ay presented muli ng FDCP, powered by FDCP Channel, Cinematheque Centres, at Nood Tayo ng Sine, sa pakikipagkooperasyon naman ng mga sumusunod, British Counci, Embassy of Sweden, Embassy of Denmark, Embassy of Chile, Embassy of Spain, Embassy of Canada, Korean Cultural Center, US Embassy, Mexican Embassy, Instituto Cervantes, and Cinema 76, Gateway Complex and the Metropolitan Theater.
“We have always believed in the power of films and of storytelling in transcending boundaries of gender and biases. Pelikulaya is not just a film festival, it is an effort and a movement towards raising awareness, calling for equality, and a way of showing allegiance to the causes of the LGBTQIA+ community,” say ni FDCP Chairperson and CEO, Mary Liza B. Diño-Seguerra sa ginanap na press launch and pride party sa The Amrak Comedy Restobar, hosted by DJ Jhai Ho.
Narito ang ang ilan sa competing movies for short film competition: ‘Mga Kuan’ by Jermaine Tulbo; ‘Cut/Off’ by Von Victor Viernes & Sean Russel Romero; ’As if Nothing Happened’ by JT Trinidad; ’Kubli’ by Jam Navalta; ’This is Not Coming Out Story’ by Mark Felix Ebreo; ’We Were Never Really Strangers’ by Patrick Pangan; ‘Second Gear’ by Christian Angelo Cruz; ‘Kung Sa Dilim Ang Suba Tarabuan’ by Seth Andrew Bianca; ‘Baklaak’ by Gabb Gantala; at ‘Nang Maloblob Ako Sa isang Mangkok ng Liwanag’ by Kukay Zinampan.