Advertisers

Advertisers

Metro mayors pabor sa dagdag-PUV sa kalsada sa halip na bawas distansya sa public transpo

0 232

Advertisers

Pabor umano ang 17 alkalde ng Metro Manila na dagdagan na lamang ang mga sasakyang pumapasada partikular na ang traditional jeepney kaysa magpatupad ng bawas distansiya sa loob ng pampublikong sasakyan.
Ayon kay Metro Manila Councik Chairman Edwin Olivarez, kailangang pag-aralan mabuti kung hindi ba magkakaroon ng negatibong epekto ang pagbabawas distansiya sa mga public transportation.
Ayon pa kay Olivarez, mas mainam kung dagdagan ang mga bumabiyaheng pampublikong sasakyan para maiwasan ang pagtabi-tabi ng mga pasahero na posibleng magresulta ng hawaan ng virus. Giit pa nito na matutulungan anya ang mga drayber na matagal ng huminto ang hanapbuhay dahil natigil ang biyahe dahil sa mga ipinapatupad ng community restrictions. (Josephine Patricio)