Advertisers

Advertisers

Diego proud gampanan si PBBM sa pelikula; Rocco talo sa pustahan sa misis na si Melissa sa gender ng anak

0 315

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

AMINADO ang young hunk actor na si Diego Loyzaga na hindi na siya nagdalawang-isip nang alukin siyang lumabas bilang si PBBM at ang amang si Cesar Montano naman ang lalabas bilang si Pres. Ferdinand Edralin Marcos, Sr. First movie ni Diego na makakasama ang ama at isa ito na nasa bucket list niya plus the fact na isa siya sa naging supporter ng Marcos-Duterte Team Unity noong kasagsagan ng kampanya.
“Alam ko na balang araw, kung puwede kong suportahan ang pamilyang Marcos, susuportahan ko po talaga sila. Dumating po ’yong oportunidad na ’yon, at kinuha ko po ’yon, at salamat sa D’yos na binigyan N’ya ako ng oportunidad na gampanan si Presidente Bongbong Marcos sa isang role at sa isang pelikula,” say ni Diego.
Ang naturang pelikula ay halaw sa tunay na pangyayari sa buhay ng Marcos Family na nakasentro umano ang kuwento sa last 72 hours ng Marcos Family sa palasyo noong 1986. Movie project ngayon ng writer-director and content creator na si Darryl Yap at may tentative working title na “Maid in Malacanang”.
Bukod sa mag-ama ay ilan pa sa nabanggit ni Direk Darryl sa kanyang FB post nitong nakaraang mga araw ay si Ruffa Gutierrez na gaganap bilang dating First Lady Imelda Marcos, Cristine Reyes na gaganap bilang young Imee Marcos, at si Ella Cruz naman para sa bunsong si Irene Marcos. Kasama rin sa naturang biopic movie sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo bilang mga katulong sa Malacanang.
***
NATALO sa kanyang pusta si Rocco Nacino sa kanyang misis na si Melissa Gohing para sa gender ng kanilang magiging first born. Para kay Rocco kasi ay sa team Girl siya samantalang ang misis ay sa Team Boy.
Sa ginawang gender reveal ng pamilya ng mag-asawa ay lumabas ang resulta and it’s a Boy.
“We’re having a baby Boy! So grateful to have our friends and family with us as we were surprised by our siblings last weekend!! Galing ng prank @_kayoool. A new terror is coming to the house!,” say ni Rocco sa isang larawan kasama ang buong pamilya niya.
“Boy oh boy! We are overwhelmed with joy! Tanggap ko na mini me mo ito @nacinorocco. Getting rid of my heels to chase this wild little boy. Mana sayo! Haha!” say naman ni Melissa.
Ikinasal sina Rocco at Melissa Enero noong nakaraang taon, at inanunsyo nila ang pagbubuntis ni Melissa nitong Mayo.