Advertisers
Ni WALLY PERALTA
TEN years and going strong ang relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim. Kapwa parehong bisi sa kanya-kanyang showbiz career ang dalawa, si Kim sa Kapamilya samantalang isang Kapuso naman si Xian at hataw sa rating ang first ever serye na ginawa niya sa Kapuso together with Glaiza de Castro, ang ‘False Positive’.
Marami na rin sa followers ng dalawa ang naiinip kung kailan kaya magpapakasal ang kanilang mga idolo. Hindi rin naman mangilan-ngilan beses na sinagot ni Xian ang tungkol sa tanong na ito. Consistent si Xian sa pagsasabing wala pa talaga sa plano nila ni Kim ang pagpapakasal.
“The direct answer is I don’t see myself getting married soon. Ang daming nagtatanong, ‘Xian, naniniwala ka ba sa idea of marriage?’.Yes, of course, I do. But marriage, I think ‘di siya minamadali.
“Wala na akong masagot sa kanila. Nilalaro ko nalang talaga ‘yung sagot ko. Sometimes, I say siguro mga 60 years old, 70, 80. It’s because I just play around,” say ni Xian.
Gaano naman kamahal ni Xian si Kim?
“We love each other so much and that’s what’s important. When the time comes, maybe I don’t know, maybe itatago muna namin then when we’re ready, we will announce it just like our relationship noong nagsisimula kami.
“Once it’s out there, ang daling puntiryahin, targetin. It’s so easy to take the happiness away.
“So I think dapat ilabas lang kapag ready ka na. Parang bahay. Kapag solid na ‘yung foundation ng bahay, hindi na ‘yan guguho e, ‘di ba?,” say pa rin ni Xian.
***
HAPPY si Ryza Cenon nang makarating sa kaalaman niya na ipalalabas na sa lahat ng Vivamax Apps, simula June 17, ang horror movie na nagawa niya na unang ipinalabas sa nakaraang horror filmfest ng SM Cinemas, ang ‘’Rooftop” kasama sina Marco Gumabao, Marco Gallo, Rhen Esccano, Ella Cruz at Epy Quizon.
Ang istorya ng “Rooftop” ay umikot sa pagkamatay ng isang janitor ng iskuwelahan na ginampanan ni Epy, sanhi ng isang prank na ginawa ng mga mag-aaral habang nag-iinuman at nagkakasiyahan sa rooftop ng eskuwelahan. At dito na nga nag-revenge ang ghost ni Epy, isa-isang hinanting ang mga kabataang may kagagawan ng kanyang kamatayan.
Kinunan ang pelikula on location at the now abandoned Quezon Institute. At dahil may opened third eye si Ryza ay nakararamdam siya ng presence ng mga kaluluwang hindi natatahimik at gumagala sa naturang abandoned na building.
“When I feel something creepy on the set, doon na lang ako humuhugot para mairehistro ko on cam na mukha talaga akong takot na takot.
“Kasi sa scenes na tinatakot kami ng multo, wala naman talaga siya, but we have to pretend na nandun siya and we are so frightened,” say ni Ryza.