Advertisers
IBINUNYAG ng 98-anyos na si former Senate President Juan Ponce Erile na mayroong grupo ng mga Amerikano at Filipino na balak manggulo at magpabagsak kuno sa bagong papasok na administrasyong Bongbong Marcos.
Hindi natin alam kung gaano katotoo at kung saan galing ni Enrile ang info niyang ito. Ayaw naman niyang pangalanan kung sinong grupo ito. Baka naman guni-guni lang ito ng isang malapit nang mag-centenarian. Hehehe…
Kung ang PNP at AFP na may malawak na intel network ang tatanungin, wala silang alam sa ibinunyag ni Enrile. Naiskupan sila ni Manong Johnny. Hehehe…
Tingin ko ay nagpapapansin nalang si Manong Johnny kay BBM. At napansin naman agad siya. Mismo!
Si Enrile ay ginawa nang chief legal adviser ni BBM. Bravo!!! Talagang kinalimutan na ni BBM ang mga taong nagtaksil sa kanila. Nakapag-move on na raw sila…
Kung inyong natatandaan, repapips, si Enrile kasama si former President Fidel V. Ramos ang naging ugat ng pagpapalayas sa pamilya Marcos sa Malakanyang in 1986.
Defense Secretary ni late dictator Ferdinand Marcos Sr. si Enrile noon habang PC-INP Chief si Ramos nang mag-alsa sila laban sa ama ni BBM. Tapos nangyari ang EDSA People’s Power. Naitapon ang pamilya Marcos sa Hawaii.
After that… naupong Presidente si yumaong Cory Aquino, naging Senador si Enrile, at naging successor si FVR ni Cory.
Sa Senado, maraming ibinunyag si Enrile tungkol sa masasamang ginawa ng ama ni BBM. I-google nyo nalang kung ano-ano ang mga ito. Tapos katakot-takot na pang-iinsulto pa ang ginawa ni Enrile kay BBM, mahina raw ang utak nito hindi katulad nung ama.
Ngayong na-elect na Pangulo si BBM. Todo puri na ni Enrile si Marcos. Ipinakikita niyang concerns siya kay BBM. Balak daw itong pabagsakin ng grupo ng mga Kano at Pinoy. Kung sinong grupo ito, si Enrile lang din ang nakakaalam. At least nabigyan niya ng babala si BBM dahil gusto niya raw mag-succeed ito. Yeah!
“I will devote my time and knowledge for the republic and for BBM because I want him to succeed,” say ni Manong Johnny.
Congratulations nga pala kay outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra. Magiging Solicitor General na siya, kapalit ni Jose Calida na dumoble ang yaman nang maging SolGen, ayon sa SALN niya. Sana all!!!
Si Guevarra ay nagserbisyo rin kay late President Noynoy Aquino bilang deputy executive secretary for legal affairs sa Malakanyang, tapos kay Duterte.
***
Katakot-takot na batikos ang inabot ng PNP sa netizens at maging kay Senate President Tito Sotto nang tila pagpakita ng VIP treatment sa SUV driver na bumundol at sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong nang sumuko ang driver, Jose Antonio Sanvicente, pagkaraan ng isang linggong pagtatago at nagpa-press conference kamakailan.
Sabi ng netizens, nabahag ang buntot ni PNP OIC Vicente Danao nang makaharap ang pamilya Sanvicente matapos niya itong pagsabihang adik at bantaan.
Post naman ni Sen. Sotto: Lumutang na pinakawalan pa. Kung mahirap lang daw siguro si Sanvicente, tiyak kulong na ito.
Todo paliwanag naman ang PNP. Pero galit ang netizens. Ayaw na raw nila kay Danao para PNP Chief! Araguy!!!