Advertisers

Advertisers

Bagong OsMa pinasinayaan nina Isko at Honey

0 382

Advertisers

ISANG pampublikong ospital na maitutulad sa magagara at modernong pribadong ospital pagdating sa pasilidad at serbisyo ang pinasinayaan na nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor at ngayon ay Mayor-Elect Honey Lacuna.

Ang pagpapasinaya ng Bagong Ospital ng Maynila (OsMa) ang siyang highlight ng isang linggong gawain kaugnay ng ‘451-taong Araw ng Maynila’ nitong June 24.

Matatandaan na ipinangako ni Moreno na gagawin niyang world-class hospital ang Bagong OsMa.



Ang Bagong OsMa ay 10-storey, fully air-conditioned, state-of-the-art hospital na may 384-bed capacity, 12 intensive care units at 20 private rooms. Mayroon din itong amenities tulad ng three-storey parking building at helipad. Ang emergency room nito ay may 30 na kama sa kabuuan at ang buong ospital ay magiging fully-airconditoned kapag nagsimula na ang full operations nito.

Sinabi ni Moreno na ang helipad ay para sa medEvac na tutulong sa mga kailangan ilipad na pasyente para sa mas mabilis na gamutan.

“Gusto ko pong ipakita na hindi porke’t public facility, pwede na yan. Dapat kahit public facility, first-class service ang ibibigay sa tao. Kung ano ang nabibigay ng private hospital kaya rin dapat ng isang public hospital. The people deserve better. Pera naman nila ito kaya marapat lang na ibalik ito sa kanila sa pamamagitan ng maganda at dekalidad na serbisyo,” sabi ni Moreno.

Pinuri din ni Moreno ang suportang ipinagkaloob ni Lacuna sa abot ng kanyang kakayahan bilang second highest official sa City Hall at bilang Presiding Officer ng Manila City Council, na highly instrumental sa tagumpay ng nasabing proyekto pati sa tagumpay ng mga programa sa lungsod. Pinuri din ni Moreno ang mga construction workers pati na ang team ni city engineer Armand Andres dahil sa kanilang kasipagan upang matapos ang ospital sa lalong madaling panahon.

Ilang araw na ang nakakaraan, inanunsyo ni Moreno na ang old building ng Ospital ng Maynila ay gagawing Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Medicine and Allied Health Services.



Pinirmahan ni Moreno ang deed of donation na pormal na nagbibigay sa old hospital building sa PLM at ito ay nataon pa sa 55th year anniversary ng PLM.

Ang Bagong OsMa ay isa sa anim na ospital na pinatatakbo ng city government at nagbibigay ng free medical services sa mga residente ng Manila. Bawat isang distrito ng Maynila ay may isang ospital kung saan libre para sa lahat ng residente. (ANDI GARCIA)