Advertisers

Advertisers

Andrea tinawag na maloko si Lloydie

0 375

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MAGTATAPOS na ngayong linggong ito ang First Lady; sino ang mami-miss ni Shyr Valdez sa kanilang GMA series?
“I will miss Nanay Sandy,” bulalas ni Shyr patungkol sa beteranang aktres na si Sandy Andolong.
“I will definitely miss Nanay Sandy. I mean I will miss everyone but I will miss Nanay Sandy, itong si Jinky, si Ana Banana, iyan si Glenda, tapos sino pa ba?”
Jinky ang palayaw ni Samantha Lopez, si Anna Banana ay si Analyn Barro at si Glenda Garcia ay co-stars ni Shyr sa First Lady.
Bukod sa mga kapwa niya artista ay mami-miss din daw ni Shyr ang buong production team at crew ng First Lady, at siyempre ang kanilang mga direktor na sina LA Madridejos at Rechie del Carmen.
“Actually lahat kasi ang tagal naming magkakasama kasi you have to remember we had to work in a lock in taping so technically, alam mo na yung, di ba sabi nga, you get to know, if you wanna get to know a person, magsama kayo sa isang bahay.
“So ito we were living in one community. As in makikita nila kami hindi pa nagtu-toothbrush, paglabas maglalaba, kakain, magluluto.
So there’s really familiarity, there’s family there, in essence talaga the whole production of First Lady.”
Nabanggit na rin lamang ang tungkol sa lock in taping, mas gusto ba ito ni Shyr o mas gusto niya ang nakasanayan na sa showbiz na uwian pagkatapos ng taping.
“Actually pareho, actually pareho. Pareho naman siyang may advantage, meron ding disadvantages. Yung lock in kasi, andyan na kayo lahat so kahit anong oras ka i-call nandiyan talaga yan.
“Ang disadvantage lang kasi ng lock in, hindi naman kami araw-araw nagte-taping e, di ba? May schedule. So hindi ka makaraket sa iba,” at natawa si Shyr. Di ba?
“So iyon lang yung disadvantage nun.
“Yung sa uwian naman ang disadvantage niya ninenerbiyos ka kasi kahit paano may pandemic pa, hindi mo alam kung saan pumunta yung iba, siyempre pag naghiwa-hiwalay kayo. Pero okay naman.”
Kapag nagbalik na ang lahat sa normal, kapag wala ng pandemya, alin ang mas gusto ni Shyr? May ibang artista kasi, mas gusto na daw nila ang lock in dahil hindi bumibitiw sa karakter, tipid sa gasolina at marami pang rason.
“Ah hindi, sa uwian pa rin ako. Kasi, hindi lang naman ito ang trabaho ko, di ba? At tsaka ang hirap din ng hindi mo nakikita ang mga mahal mo sa buhay. Ang hirap din.”
***
NAKATRABAHO na ni Andrea Torres sa ilang episodes ng Happy ToGetHer si John Lloyd Cruz; paano niya ilalarawan bilang tao at bilang actor si JLC?
“Napaka-humble niya despite his talents and all his achievements. Nakaka-inspire to see him at work kasi iba siya mag-isip at mag-interpret ng eksena.
“Meron siyang mga dinadagdag para mapaganda ang mga eksena, na ikaw parang, ‘Ay oo nga ‘noh, ang galing!’ “Ang galing niya maghimay ng eksena. Magaan sa set kasi maloko rin siya. Masaya lang.”
Medyo matagal nang loveless si Andrea, paano niya naha-handle na wala siyang karelasyon sa matagal na panahon?
“Ako naman po kasi I’m happy and content with my life as is. Pag nagkakaron ako ng karelasyon, he adds to it. Hindi mo gagawing missing piece yung lovelife.
“Para ikaw rin, buo kang papasok sa buhay ng karelasyon mo. =
“I have a solid faith so I never look for it. Naniniwala akong darating ‘yan pag feel ni God na ready na ulit. Basta I give my whole focus and energy with everything that I do.”
Bilang dati rin siyang talent sa kabilang istasyon, ano ang reaksyon niya sa mga artistang nagsisilipat sa GMA?
“Sa akin po natutuwa ako kasi fresh po sa paningin ng mga tao and even sa amin na may makasama po kami for the first time. Exciting siya.
“I welcome it.”
Magbibida si Andrea ngayong 2022 sa international movie na Pasional na gaganap siya bilang isang dancer.
Ang mga banyagang nakatrabaho ni Andrea sa Pasional ay ang kanilang assistant director na si Nicolas Cacciavillani; ang director of photography na si Gio Croatto; ang kanilang direktor na si Francisco D’Intino; at ang kanilang producers na si Luciano Croatto, Agustin Clerico ng Malevo Films of Argentina at ang Filipino independent producer na si Noel Maximo; co-producer rin nila siyempre ang GMA Films.
Ang leading man naman ni Andrea sa Pasional ay ang Argentine actor na si Marcelo Melingo.