Advertisers

Advertisers

Panawagan ni Mayor Honey sa Manileño: ‘GET BOOSTED’

0 205

Advertisers

GET boosted.

Ito ang panawagan ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng fully vaccinated sa lungsod ng Maynila kaugnay ng ulat na pagdaming muli ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Lacuna, hindi humihinto ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagbibigay ng first at second booster shots sa lahat ng may gusto nito at sa kabila nito ay kapansin-pansin na ang mga nagpapaturok ng booster ay bumababa ang bilang.



Sinabi pa ng first lady mayor na ang booster shots ay patuloy na ibinibigay sa anim na public hospitals sa lungsod pati na rin sa mga health centers.

Nabatid kay Lacuna na ang pagbaba ng bilang ng mga nagpapa-booster ay dahil aniya sa ‘COVID fatigue’ o sa paniniwala na ang COVID ay hindi na banta sa kalusugan ng populasyon.

Bilang isang doktor , pinaalalahanan ni Lacuna ang mga Manileño na ang COVID ay naririyan lamang sa paligid at patuloy na banta sa buhay ng lahat at ito ay base sa mga tala ng mga concerned health authorities.

Binigyang diin din niya na patuloy na sumunod at gawin ang mga health protocols, lalong-lalo na ang pagsusuot ng facemasks. Idinagdag pa rin nito na ang pagpapa-booster ay magbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga fully vaccinated, dahil ang immunity na kaloob ng mga naunang bakuna ay hindi panghabangbuhay dahil humihina din ito pagkatapos ng ilang panahon.

Nitong Lunes lang ang Department of Health (DOH) ay nakapag-ulat ng kabuuang 10,271 new active COVID-19 cases sa bansa at ito ay sa loob lamang ng isang linggo na mula July 4 hanggang July 10, 2022.



Ang daily average COVID-19 new cases ay 1,467, at mas mataas ng 39 percent kung ihahambing sa naitala sa pagitan ng June 27 hanggang July 3. Sa naturang mga bagong kaso, 27 dito ang severe o critical, ayon pa sa DOH.

Kinumpirma din ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na karamihan o 60 percent ng pasyenteng in-admit sa pagamutan dahil COVID-19 nitong mga nakaraang araw ay unvaccinated, partially-vaccinated o hindi pa nakatanggap ng booster. (ANDI GARCIA)