Advertisers
PASAMA nang pasama ang balita sa bayan ni Juan.
Ang latest? Tataas ng hanggang P15 ang itlog. Ang rason: Nagkandamatay ang mga manok sa “bird flu” at masyado nang mataas ang feeds na nagmumula raw sa ginigiyerang bansa ng Ukraine.
Sa kasalukuyan ay nasa P6.50 hanggang P7.00 ang itlog sa merkado. Asahan daw ang pagtaas ng presyo sa sunod na buwan. Araguy!!!
Posible raw bumaba ang presyo ng itlog sa 2024 pa. Ouch!!!
Ano kaya ang magiging solusyon dito ni Agriculture Secretary/President Bongbong Marcos Jr.?
Ako, ang solusyon ko: Pag-alagain ang mga taga-probinsiya ng maraming native na manok na matibay sa sakit at malakas din mangitlog. Mas masarap at masustansya ang itlog ng native, bukod pa sa napakasarap ng karne nito kumpara sa 45 days, Broiler at Sunshine. Mismo!
Tataas din daw ang presyo ng pandesal, aabot ng P2.50 hanggang P5.00 bawat isa. Araguy!!! Napakamahal na raw kasi ng arena dahil nga kapos na sa suplay ng trigo na nanggagaling din sa Ukraine.
Hindi naman puwede na liitan pa ng mga panadero ang kanilang pandesal dahil baka wala nang bibili at lalo silang malulugi.
Ang pandesal ay gumagamit din ng itlog. Tsk tsk tsk…
May isa pang masamang nangyayari ngayon, patuloy na bumabagsak ang piso laban sa dolyar. Nasa P56 na ang palitan. Araguy!!!
Baka sabihin naman nitong mga idiot nating kababayan na dapat magpasalamat sa pagtaas ng dolyar dahil kikita ang OFWs.
Hoy!!! ‘Pag tumaas ang dolyar, lalong gagapang ang ating ekonomiya dahil dolyar ang ating ipinambabayad sa mga produktong ini-import natin. Yang kinikita nyong dolyar kulang na kulang ‘yan kapag nagtaasan nang nagtaas ang presyo ng mga bilihin sa atin. Animal!!!
Saan patutungo si Juan sa nangyayari ngayon sa ating bansa?
Ako, ang advise ko: Sa mga may nakatiwangwang na lupain sa probinsiya, bungkalin nyo na yan at taniman ng mga gulay, palay, root crops at mag-alaga ng mga hayop na ‘di na kailangan gastusan ng malaki ang pagpapalaki tulad ng kambing, baka at native chicken. ‘Pag ginawa nyo ito, hindi na kayo magugutom at magiging matahimik pa ang buhay nyo. Let’s do it, mga pare’t mare…
***
Ang lupet nitong si dating NTF-ELCAC spokesperson Dra. Lorraine Badoy. Pati ba naman ang bagong tatag na non-government organization (NGO) na ‘Angat Buhay’ ni dating Vice President Leni Robredo ay ni-red tag, may kaugnayan daw ito sa mga komunista. Araguy!!!
Saan kaya napulot ni Badoy ang impormasyong ito? Bakit hindi hindi ito alam ng intel ng AFP at PNP? Ibig bang sabihin mas matindi ang pang-amoy ni Badoy kesa mga agent ng militar at pulisya? Wow!
Sa tingin ko ay nagpapapansin lang itong si Badoy sa Marcos administration para kunin din siya ni BBM?
Well, tingnan natin kung anong depensa ang gagawin ni Badoy sa demanda sa kanya ng Angat Buhay.
***
Wala pang napupusuan si PBBM para maging Chief PNP niya. But for sure, ayaw niya kay OIC Vicente Danao Jr.. Ang sigurado, isang Ilokano ang ipupuwesto ni PBBM. Mismo!