Advertisers
USAP-USAPAN sa apat na sulok ng NCR ang tila invasion ng isang misis ng nanalong alkalde sa isang siyudad sa Metro Manila.
Nang manalo ang mister bilang mayor, agad na lumusob ang ginang sa city hall at namili ng kanyang magiging opisina.
Agad nagdeklara ng Martial Law at pinagsisibak ang mga dating nakapuwestong department heads gamit ang “executive order” ng kanyang alkaldeng mister.
May karay-karay pang sariling security as bodyguards.
Ang matindi, pati yung mga career personnels na may security of tenure ay pinagsisibak na rin.
To hell with the Civil Service Law ang peg ng maldita.
Bansagan natin BRUHILDA ang bagong First Lady ng nasabing siyudad na from day 1 ay umakto nang REYNA ng city hall.
Noon pa man ay kontrabida at intrimitida na ang datingan ng misis ni yorme.
Direktang nakikialam ito sa mga proyektong pinamamahalaan ng kanyang esposo at lantarang nangungumisyon.
Minsan na itong deninunsiyo ng isang district engineer ng DPWH dahil sa siba at takaw manghingi ng SOP para sa kanyang mister.
May isang bata-bata itong si BRUHILDA na tawagin nating si CHOI na siyang front ng maldita sa paggawa ng kuwarta.
Bitbit na rin niya ito ngayon sa kanyang grand invasion sa CITY HALL.
Ipinuwesto pa si CHOI bilang bagman ng buong siyudad!
Incharged sa lahat ng pagawain ng city hall.
Ang pamilya naman ng kanyang mayor na mister na iginagalang sa nasabing siyudad ay nagimbal sa mga biglaang pangyayari at muhing-muhi sa talipamdas na babae.
Feeling ng pamilya ng esposong alkalde,salot na nadikit sa kanilang angkan ang nasabing sampid.
Ang masakit dito, di makaporma si yorme kay misis dahil may sikreto din itong itinatago.
Skeleton in the closet!
Kekembot-kembot itong si mayor at pandalas na pumipilantik ang mga daliri.
In short ,hombre ang type ni yorme at isa itong certified na beki pala.
Dahil di mapaligaya at maibigay ang kaligayahang hinahanap ni misis, nagwawala na lamang ito si BRUHILDA bilang pagrerebelde laban sa ‘closet queen’ na esposo.
May sariling boylet na pala itong si mayor na bitbit din nito sa city hall.
Kaya ang siste, “equal footings” sa city hall ang demand at hirit ng esmi ni bagong mayor na pinagbigyan naman nito.
Hindi tuloy malaman ng mga empleyado ng city hall kung maiiyak ba sila o hahagalpak sa tawa sa mga lantarang nangyayari sa kanilang harapan.
Dismayado ang dating alkalde ng nasabing siyudad na isa pa namang iginagalang na pulitiko ng lungsod.
Isa itong tunay na “SHAME AND SCANDAL IN THE FAMILY”!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com