Advertisers

Advertisers

FDA walang paliwanag kung ligtas bang kainin ang Lucky Me Instant Noodles?

0 471

Advertisers

Nakakatakot palang kumain sa ngayon mga Ka usapang HAUZ ng paboritong kainin sa hapagkainan ng Masang Pinoy ang Lucky Me Instant Noodles alam nyo po ba kung bakit?

May mga ulat kasi mga Ka Usapang Hauz, mula sa European Countries na agarang pinag-utos ng pamahalaan duon ang dagliang pag-recall sa mga merkado ang produktong Lucky Me na gawa sa Bansang Thailand na umanoy positibo na naglalaman ng sangkap ng ethylene oxide tulad ng beef noodles, Pancit Cantoon, Chili Pancit Cantoon Kalamansi, Original Pancit Cantoon at iba pa.

Dahil dito muling hihilingin ng Makabayan Consumer Watch isang grupo ng NGO”s sa tanggapan ng Food and Drugs Administration FDA na bawiin rin sa mercado ang mga naikalat ng produkto ng Nissin Monde Philippines particular ang Lucky Me Instant Noodles na napaulat na nagtataglay ng kemikal na nakakasama sa kalusugan ng tao hanggat walang malinaw na paliwanag ang nasabing ahensiya kung ligtas kainin.



Ang naturang kahilingan ng MCW ay naglalayong protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan bukod pa rito ang Karapatan ng Masang Pinoy na malaman kung ligtas ba na kainin ang kanilang binibiling produkto sa mercado kung kaya’t nararapat lamang ang agarang pagpapaliwanag ng FDA sa Sambayanan hinggil sa sinasabing sangkap ng Lucky Me Noodles na masama sa kalusugan.

Naalarma ang nasabing Samahan ng mapaulat sa ibang bansa ang paguutos sa pagbawi sa merkado ng mga nauna nang na-ideliver na batch ng Lucky Me Instant Pancit Canton Noodles sa European Countries at Taiwan bunsod na rin sa sinasabing naglalaman ng sangkap na “Ethylene Oxide” ang nasabing produkto kung saan Monde Nissin Philppines ang siyang manufacturer ng Lucky Me.

Ang ethylene oxide ayon sa mga eksperto mula sa FDA ay ginagamit sa pagdisinfect ng herbs and spices ng sa ganun ay masiguro ang kalusugan ng bawat mamamayan subalit sa European Union ang paggamit ng nasabing kemikal tulad ng sa Lucky Me Noodles ay mahigpit na ipinagbabawal dahil sa masamanmg dulot sa kalusugan.

Dahil sa napaulat na hindi ligtas kainin ang mga produktong gawa ng Nissin Monde Philippines particular ang Lucky Me Noodles ay agad na nagpahayag ang FDA officials sa pangunguna ni OIC Director General Dr. Oscar G. Gutirrez ng agarang imbestigasyon kamakailan.

Nagtataka rin ang grupo kung bakit nanahimik ang tanggapan ng FDA sa nasabing issue na kung ligtas nga bang kainin ang produkto ng Nissin Monde samantalang ang linaw ng kanilang naging pahayag ng agarang imbestigasyon ng sa gayon ay hindi na magkaroon pa ng agama gam ang mga consumer particular ang masang Pilipino na naging paborito ng kainin ang Lucky Me noodles kung saan hanggang sa ngayon ay wala pa rin umanong pahayag ang nasabing ahensiya.



Samantala pinalagan ng MCW NGO’s ang naging pahayag ng Nissin Monde Philippines na tahasang sinabi na hindi umano sila gumagamit ng kemikal na ethylene oxide dahil ang kanilang produkto ay ipinadadala sa ibang bansa, “ ang imbestigasyon lamang ng FDA ang siyang makakapagpanatag lang ng aming kalooban kung ligtas nga bang kainin ang nasabing produkto at hindi naglalaman ng kemikal na nakakasama sa kalusugan ng tao” pahayag ng grupo.

Nagpahayag pa ang grupo na sakaling hindi pa rin umaksiyon ang tanggapan ng FDA ay mapipilitan silang idulog sa Kongreso at Senado ang hindi basta bastang problema dahil kalusugan ng mamamayan ang nakataya rito habang kaduda duda ang ginagawang imbestigasyon na hanggang sa ngayon ay hindi pa inilalabas ang technical report sa nangyayaring imbestigasyon.

Samantala maghahain ng isang request ang nasabing grupo sa pagbubukas ng 19th Congress kay incoming House Speaker Congressman Martin Romualdez nang sa gayon ay maisama sa mga prayoridad na tatalakayin ng mga mambabatas ang usaping Food Safety Act Violation.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag text o tumawag sa 09352916036.