Advertisers

Advertisers

VIRAL: B-day party konti ang bisita, naghakot ng mga bata sa kalye

0 249

Advertisers

Konting bisitang bata sa birthday party?! No problem para sa inang si Ivy Florez Raz nang maisipang humakot ng mga bata sa kalye para siguradong masaya ang kaarawan ng anak nitong si Xander King ng Davao City.

Kwento ni Ivy, limang bata lamang ang bisitang dumating dahil gabi pa makakarating ang iba, kaya nagtawag sila ng mga bata sa kapitbahay.

Dahil konti pa rin, naisipan ng kanyang asawa na ipahakot sa kanyang tauhan ang mga bata sa kalye na kakilala ng drayber.



Sa pagbalik, sakay sa kulong-kulong ang napakadaming bata.

Sulit umano ang paghakot nila dahil naging masaya ang 8th birthday party ni Xander King.

Bukod sa palaro, pinakain ang mga bata, binigyan ng pera at ibinalik din ang mga ito kung saan sila kinuha.

Umabot na sa mahigit 1.6 million views ang video sa tiktok.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">