Advertisers

Advertisers

Juanetworx kakalabanin ang Vivamax at AQ Prime

0 345

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MAY bagong player sa Pinoy online streaming industry na kukumpetensiya sa Vivamax at AQ Prime: ang Juanetworx.
Ayon sa film producer (Fr.Suarez:The Healing Priest, Ayuda Babes at Yorme:The Isko Domagoso Story ni Direk Joven Tan) at isa sa prime mover nitong si Edith Fider, naniniwala siyang ang paggawa ng mga pelikula, serye at iba pang online content ang isa sa mga hakbang para mabuhay ang local film industry sa panahon ng pandemya.
Ang kaibahan lang ng Juanetworx sa ibang digital entertainment hubs ay ang pagkakaroon nito ng SOS component na reresponde ang network sa panahon ng emergency tulad ng sunog, lindol o anupamang kalamidad sa pamamagitan ng pag-alerto rito.
Kaabang-abang din ang mga pelikula, serye, sitcoms, documentary films at iba pang hatid ng network.
Kabilang sa ipalalabas ng Juanetwork ang untold stories ni Fr. Suarez hosted by Boy Abunda, ang istorya ng isang sirenang mabilbil, The Rey Valera Story: Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, at Doc Willie Ong: Ang Inyong Lingkod.
Aariba rin si Bernie Batin sa palabas na The Sari-Sari Show.
Tampok din ang Mga Kuwento Sa Dilim na iho-host ni Ed Caluag, Ang Katiwala, at ang talambuhay ni Lt. Col. Jhun Ibay Jr. na pagbibidahan ni Aljur Abrenica.
Magpapagana rin sa kanyang mga ihahandang putahe si Chef Sheilla sa The Soulful Kitchen Diva.
Kapupulutan naman ng aral ang mga kuwentong itatampok sa True To Life Stories na naka-line up ang real-life story ng indie actor na si Charles Delgado.
Pinaghalong action at erotica naman ang sangkap ng Erotixa na pinagbibidahan nina Christian Bables at Ali Forbes.
Hindi rin dapat palampasin ang kakaibang kuwento ng Ang Huling Burlesk Queen.
Maghahandog din ang Juanetworx ng mga concert at K-Dramas.
Sa halagang 100 pesos, solb na ang subscription mo sa Juanetworx.
Para sa karagdagang detalye sa kanilang subscription plans, bisitahin ang www.juanetworx.com.

 



Note: patanggal po ang PEP s pic ty po