Advertisers

Advertisers

Aprubado ni Duterte ang Dito Telecommunity sa mga kampo – Militar

0 446

Advertisers

KANYA-KANYANG kakamping negosyante ang pangulo ng ating bansa.

Walang pangulo na walang kinakampihang negosyante.

Ito’y dahil ‘napakalaki’ ng naitulong sa kampanya ng pangulong nanalo.



Kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangulong sinasabi ko.

Si Dennis Uy na may-ari ng DITO Telecommunity ay kakampi ni Duterte.

Dahil kakampi si Uy ni Duterte at napakalakas naman nito sa pangulo, naging ikatlong telco ang kanyang DITO makaraang manalo ito sa subastang isinagawa ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Tapos, ipinasa ng Kamara de Representantes ang 25-taong prangkisa ng DITO na magsisimula ang bisa nito sa 2023.

Pumasa sa Kamara ang prangkisa ng DITO kahit marami pang kulang na mga rekesito ito.



Ipinasa ng Kamara ang 25-prangkisa ng DITO kahit 40 porsiyentong share of stocks nito ay pag-aari ng China Telecommunications Corporation (ChinaTel).

Ang ChinaTel ay hindi lamang dayuhang kumpanya, kundi pag-aari ito mismo ng pamahalaan ng Republic of China.

Pagkatapos ng prangkisa, nilagdaan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DITO Telecommunity at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makapagtayo ang pribadong kumpanya ng mga tore nito sa loob ng mga kampo-militar sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang mga tore ng DITO ay siyang paglalagyan ng “communications equipment” nito na naglalaman ng “microwave relay and base transceiver station for mobile communication and tower facilities,” batay na rin sa nakasaad sa MOA.

Kapag nakatapos na ang mga tore at nagsimula na ang operasyon ng DITO ay asahang direktang makikialam ang pamahalaan ng China, sa pamamagitan ng ChinaTel dahil 40 porsiyento ang parte na pag-aari nito sa DITO.

Imposibleng hindi kung 40 porsiyento ang sapi ng China sa DITO.

Nangyari ang lahat ng ito dahil ‘aprubado’ kay Duterte ang pagpasok ng DITO Telecommunity ni Dennis Uy sa industriya ng telekomunikasyon ng bansa.

Sa pangyayaring ito, hindi na lamang kontrolado ng Smart Telecomunications at Globe Telecoms ang industriya.

Kung hindi aprubado ni Duterte ang DITO, makakapasok ba ito sa industriya ng komunikasyon?

Syempre, hindi.

Kung ang reklamo ng mga Filipino ay ang ChinaTel/China government, ganoon din naman ang kaso ng Smart at Globe.

Mayroon ding mga dayuhang negosyante na malaki ang sapi ng pag-aari sa dalawang kumpanya.

Sa Smart ay negosyanteng Indonesian ang pasok, samantalang negosyanteng Singaporean ang kasosyo ng Globe.