Advertisers
NAGRETIRO na sa paglalaro si PBA veteran Sonny Thoss.
Ayon kay Alaska team manager Dickie Bachmann, na minabuti ng magretiro ni Thoss noong magpaso na ang kaniyang kontrata sa koponan noong Agosto.
Noong Agosto rin ay ibinunyag ni Alaska coach Jeffrey Cariaso na inamin sa kaniya ni Thoss na hindi nito tiyak na kung magrerenew siya ng kaniyang kontrata.
Nirerespeto aniya nito ang desisyong ito ni Thoss.
Balak pa aniya nitong maglaro sa 45th season ng All-Filipino Cup ng PBA subalit dahil sa COVID-19 pandemic ay nagdesisyon na itong magretiro.
Umabot ng 15 taon ang paglalaro sa PBA ni Thoss kung saan kasama siya ng makuha ng Aces ang tatlong kampeonato.
Hinirang din siyang Most Valuable Player ng Alaska noong 2013 PBA Commissioner’s Cup.