Advertisers

Advertisers

Cloe at Sean nagtatawanan after ng sex scenes sa pelikula

0 526

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA pelikulang The Influencer mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Productions na bida si Sean de Guzman bilang si Yexel, na isang sikat na influencer, kasama rito si Cloe Barreto. Gumaganap siya bilang si Nina, na sobrang in-love at obsessed kay Sean.
Sa tanong kay Cloe sa mediacon ng nasabing pelikula, kung gaano kalapit sa personalidad niya ‘yung papel niya na nababaliw sa pag-ibig, ang sagot niya na natatawa ay “Baliw din po talaga ako sa pag-ibig. ‘Pag nagmahal po ako, walang bawal-bawal! ‘Yun po, medyo malapit din po dun. Pero hindi naman po ako nagtatali. Ha! Ha! Ha! Ha! Ako po yung itinatali, charing! Ha! Ha! Ha!”
Kaya nasabi ni Cloe na hindi siya nagtatali dahil sa The Influencer ay may eksena sila ni Sean na tinali niya ito dahil sa galit niya rito sa pagiging babaero.
Bago at after gawin ang kanilang lovescenes ay nagkatawanan pa sina Sean at Cloe.
“Yung mga nakakakilala sa aming dalawa, alam na sobrang close na talaga kami ni Cloe.
“Sabay na halos kaming lumaki sa management namin. Kaya ayun, before at pagkatapos ng sex scenes, nagtatawanan kami. Ha! Ha! Ha! Ha!,” sabi ni Sean na natatawa
Sumegunda naman si Cloe sa sinabing ‘yun ni Sean,“Same din after the sex scene, nagtatawanan pa rin kami. Parang hindi namin inaasahan, hindi kami makapaniwala na kaya naming gawin ‘yun.
“Kasi, ang turing namin sa isa’t isa, magkapatid na talaga. And sobrang professional ng bawat isa kaya lahat, sumasang-ayon”.
Sina Sean at Cloe ay parehong nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Managament ni Ma’m Len Carrillo.
Masasabi ni Sean na so far, pinaka-daring na film na nagawa niya itong The Influencer.
“Mas daring pa sa daring. Malala as in malala talaga. As in ibinigay ko na lang lahat kasi ang ganda ng istorya eh. Kasi hindi mo inaasahan na magiging ganoon ang kalalabasan ng istorya,”sabi pa ni Sean.
Para kay Cloe, pinaka-daring din para sa kanya ang naging role niya sa The Influencer.
“Kung daring ako sa Tahan, mas daring ang role ko sa The influencer. Malakas lang talaga ang loob ko na gawin ang mga ganu’ng eksena,” sabi naman ni Cloe.
Ang The Influencer ay mapapanood na simula sa Agosto 12, Biyernes, sa Vivamax. Idinirek ito ni Louie Ignacio, at mula sa panulat ni Quinn Carrillo.
***
MULA sa imbitasyon ng SUPREMO R&M Productions Inc. Events Management Team headed by Miko Villanueva, na-meet namin sa intimate media conference ang bumubuo ng International K-Top Models mula sa bansang South Korea na sina Angelica Jung, KimTae Hee, Lee Eun Goo, Cho Chung Mee, Cha Seung Jo,Baik Soo Jung, Kim Hyun Cheol, Kim Dae Hoon at Kim Sora. Sila ay nasa pangangalaga ng M Entertainment Media Group Korea na ang CEO/President ay si Jung Yongbae.
Kung tayong mga Pinoy ay sobrang love ang mga Korean dahil sa kanilang TV series, movies at singers lalo na ang grupo ng K-Pop, sila rin pala ay naa-appreciate tayo.
Ayon sa kanla, paborito nilang puntahan ang Boracay at Palawan. Gusto rin nila ang pagkain sa Jollibee. O, di ba nakakatuwa sila?
Nag-enjoy sila sa kanilang pananatili sa ‘Pinas.
Ilan sa naging schedules ng grupo sa bansa simula noong July 25 hanggang July 31 ay ang mga sumusunod: Lavish Fashion Gala Runway/Photo & Video, Parks and Wildlife Photo and Video Shoot, Fashion Show and Mini-Presscon at Tikme Dine Filipino Restaurant, FAMAS Awards Catwalk & Giving of Special FAMAS Trophies by The FAMAS President and Chairman of the Board Ms. Francia Camacho Conrado, K-TOP MODELS Meet the Press, ROTARY CLUB of QC Media Tech Courtesy Call and Certificate of Recognition of K-TOP and P-POP Models, Manila Hotel (Pool and Lobby) Photo & Video Shoot, Harbor View Photo Video Shoot, Lueur Lauren courtesy Call with Famy Laguna Mayor Lorenzo Rellosa, Certificate of Recognition, Hand Over of The Key as Ambassadors of Goodwill and Adopted sons & daughters of the Municipality of Famy Laguna, LLIC Training Seminar, Famas Awards at the MET and Seacape Village at Asian Taste K-TOP Runway by the Bay with Young P-Pop Models with photo video shoot and Fashion Show. ‘
Hindi lang basta models ang K-Top Models kundi mga matatagumpay din silang mga negosyante.