Advertisers

Advertisers

PSC OIC ATTY. IROY

0 213

Advertisers

NASA mabuting kamay ang Philippine Sports Commission sa ngayon.

Ito kasi ay nasa timon ni Officer-in-Charge Atty.Guillermo Iroy- ang executive director ng ahensiyang matagal na niyang pinaglingkuran at alam na alam niya ang likaw ng operasyon sa Philippine sports kung paano asikasuhin ang pangangailangan ng mga atleta ng bansa na nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas gayundin sa aspeto ng pagtuklas ng mga potensyal na bayani ng bansa at pagpapalawig sa palakasan hanggang sa kanayunan o grassroot level.

Ang kanyang management expertise na walang bahid ang siyang nagpapagaan sa trabaho ng kanyang mga naging chairman eh di lalo pa kung siya na ang ‘ chosen one’ ni Pangulong Bongbong Marcos,Jr.na marapat lamang.



Nanombrahan na ni PBBM ang kanyang mga kalihim ng mga departamento ng Marcos administration at sa dami ng kanyang mga ia-appoint pa ay nagtalaga muna siya ng OIC’s sa iba pang government agencies kabilang na ang PSC.

Sila muna ang nakatokang pamunuan ang day- to -day operation ng bawat ahensiya hanggang katapusan ng buwan ng Agosto o kaya hanggang end op da year 2022.

Wish ng korner na ito na sa nombra ni Apo Bongbong ay ipatuloy na kay OIC Iroy ang pagiging ‘chosen one’ as chairman hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulo.

Very much qualified siya kesa sa ibang sabihin nang sikat na wannabees pero mangangapa pa kapag napuwesto kung saan ay time is GOLD.Sayang ang momentum ng mga sunud-sunod na tagumpay lately ng ating mga atleta sa international na eksena.

Kung itutuloy ni PBBM ang magandang programa ng dating administrasyong Duterte na build,build,BUILD ay itutuloy naman ni Iroy sa kumpas ni Apo ang trending sa Ph sport na gold,gold,GOLD! Di po ba Sir ES Vic Rodriguez?…Chairman Iroy ? ..ABANGAN!



Sa kasalukuyan din ay iisa pa lang ang na-appoint na PSC Commissioner sa katauhan ni dating national athlete,international multi- medalist at world cup champ bowler Bong Coo.Hats off COO’MMISSIONER! Wish din ng korner na ito na ma-appoint na si billiards icon international medalist , world pool champ at award winning public servant ng Lungsod Mandaluyong na si Kap. Marlon ‘Marvelous’ Manalo .Swak siya sa pagiging PSC Commissioner dahil isa rin siyang dating atleta ng bansa bago naglingkod bilang premyadong kapitan ng progresibong Bgy. Malamig at ABC prexy ng sikat na Tiger City sa Kamaynilaan.Comm. Manalo? PANALO!