Advertisers

Advertisers

AYO-nyo!

0 251

Advertisers

Naging kontrobersyal si Aldin Ayo dahil sa Sorsogon Bubble ng UST Growling Tigers noong Agosto 2020 na kasagsagan ng pandemya. Mahigpit ang health protocol noon.

Ayon sa Bicolanong bench tactician ay aprubado raw ng mga awtoridad ang kanilang “adventure” sa kanyang probinsya.

Naalis siya sa Espana based na unibersidad dahil dito. Pati ang ibang liga ay ayaw siyang kuhanin bilang mentor kahit maganda



rekord niya noon sa Letran Knights at sa La Salle Green Archers. Parang may sakit siyang iniwasan ng ibang koponan.

Nagsipaglipatan mga pangunahing manlalaro ng USTe sa iba’t ibang pamantasan ng sumunod na season. Si CJ Cansino na produkto pa ng UST High School ay napunta sa UP kung saan nagkampeon sila.

Ang huli niyang trabaho ay bilang head trainer ng Chooks-to-Go Pilipinas 3 x 3 kung saan naipanalo nila ang team sa FIBA na torneo para sa tatluhang basketball.

Nguni’t minabuti niyang magbitiw upang alagaan ang 69 na taon ina na may malubhang karamdaman. Pero noong isang araw ay itinalaga siyang ganap na PBA HC ng Converge kahalili ni Jeff Cariaso.

Maraming nagulat sa balita. Ayon naman sa dating konsehal ng kanyang siyudad ay may basbas naman ito ng kanyang mother dear.



Kung pinagsarhan siya ng pintuan ng mga collegiate league ay nagbukas naman ang bintana ng bayan ng mga superstar.Ganyan talaga ang buhay!

***

Labis na ikinalungkot ni Aling Barang sa maagang pagyao ni Lydia de Vega. Kasing edad niya kasi at idolo ang dating “Asia’s fastest woman”.

Sinubaybayan niya ang career ni Diay nula sa Gintong Alay days hanggang napadpad ito sa Singapore bilang tagapagsanay ng mga track and field na atleta doon. Pati nga anak ni de Vega-Mercado na si Stephanie ay hinangaan ng may-ari ng pondahan nang humahataw pa ito sa De La Salle volleyball squad.

Kaya dapat daw mag-ingat tayong lahat sa kinakain at mag-ehersisyo palagi. Sayang daw na dito na lamang dapat naglingkod ang kanyang lodi kaysa ibang bansa pa nakinabang.

***

Lalong nadiin si Chot Reyes ng Gilas nang magwagi ang Ateneo Blue Eagles na hawak ni Tab Baldwin sa Word University Basketball Series. Pinataob ng mga bata ni Baldwin ang Tokai U sa Tokyo, Japan para sa titulo.

Nakumpara kasi ang triumphant ways ni Coach Tab sa istilo ni Coach Chot na nagturan pa ng salitang “we don’t have to win”