Advertisers

Advertisers

PSL 21-U: Delta pasok na sa semis… ARANGKADA PAMPANGA!

0 264

Advertisers

ITINODO ang buong puwersa ng Pampanga Delta upang patalsikin ang bagitong Prime C Warriors sa quarterfinals ng Pilipinas Super League 21-U Luzon Leg kamakalawa sa Bren C. Guiao Convention Center sa San Fernando City, Pampanga.

Ginamit ng bataan ni Pampanga Gov. Dennis Pineda ang bentahe sa laki, bilis ,long range shooting,twice to beat at homecrowd upang ibaon ang kalaban,101-70 kung saan ang Warriors ay nagpakita lang ng angas sa unang bahagi ng laro bago sila tambakan ng tropang Kapampangan para masungkit ang unang tiket ng semifinal stage.

Sinimulan ng Delta ang pagratrat sa Prime C pagratsada ng ikalawang hati pasimuno ang big three men sa offense at defense na sina Arthur Roque, Kevin Santos at Joshua Miclat kaagapay sina Justin Bautista,Joseph Nunag at Enrico Bugarin upang unti-unting pamagain ang lamang 75-54 sa third period.



Sinamantala din ng tropang Kapampangan ang napagod na main man ng Warriors na si Jomax Garce at record turnovers na humawa sa bumabang laro nina Yam Concepcion, Lawrence Hawkins at iba pang go-to-guys ng team upang iwanan ng milya -milya sa final quarter sa di magkamayaw na tuwa at tili ng jam-packed homecrowd.

Sobrang saya, ginawa ko lang ang best ko para sa team at sinunod ang instruction ni coach.Mas magpupursige pa kami sa next round para maabot namin ang aming misyon sa liga”, pahayag ni best player of the game Joshua Miclat na kumamada ng 15 pts.,7 rebs at 2 steals.

Katuwang din sa one-sided victory ng Delta sina CJ Delfino, Ernesto Basangan, Joseph Nunag, Bryant Mendoza, EH Nicdao, Steven Angeles, Charles Lumba, RJ Canlas Andrei Dungo at Rafael Pangilinan.

Ang blockbuster na torneo para sa kabataang 21-Under ay inorganisa ni PSL president Rocky Chan katuwang si vice Ray Alao at commissioner Marc Pingris. (Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">